Chapter 42

20.7K 371 28
                                    

Chapter 42 ~ Babe


Mia's POV:

"Unang araw namin ni Bryle dito, okay pa kami. Naglalambingan pa nga kami 'e! Sobrang sweet niya sa akin na nakakapanibago. Uunahan na kita ah, walang naganap na honeymoon. Kaya napagpasiyahan naming kinabukasan na lang kami mamamasyal. Pero may hindi magandang nangyari. Nagkaproblema sa kompanya kaya hindi niya ako nasamahan. Kaya mga bodyguards niya ang kasa-kasama ko palagi sa pamamasyal. Pinangako niya sa akin ni kinabukasan ulit pero hindi na naman natupad."

Napabuntong-hininga ako.

"Grabe! Hindi ba niya alam na buntis ka tapos mga bodyguards lang ang pinasama sayo? Walang puso talaga! Akala ko pa naman 'e nagbago na siya!"

Inis na sagot nito. Napangiti ako ng mapait ay pinagpatuloy ang pagkukwento kahit na anumang oras ay tutulo na ang aking luha.

"Kahapon, hindi niya ulit ako nasamahan. Nakaclose ko na rin ang mga bodyguards niya at nakatutuwa sila. Sila palagi ang nakakausap ko kahit na minsan, hindi mo maintindihan ang sinasabi nila."

Napatawa ako sa kakulitan nilang lahat. Muli kong naalala ang pinaggagagawa nila habang magkakasama kaming lahat. At naalala kong, hindi ko na sila makakasama pang muli.

"Gwapo ba?"

Nawala ang aking ngiti at kumunot ang noo. Mukhang hindi naman ito interesado sa mga kinukwento ko at nanatiling nakafocus sa itsura ng mga bodyguards ni Bryle.

"Uunahin mo pa ba 'yan?"

"Syempre, malay mo, isa sa kanila ang makakatuluyan ko. 'O 'diba?" Sigurado akong nagniningning na naman ang kaniyang mga mata.

Napairap ako sa hangin.

"Masarap naman silang kasama kaya naman hindi ko masyadong naiisip si Bryle. Doon nga kami nagkita ni Tey, 'yung sinasabi kong matalik kong kaibigan. Umatake ang pagsakit ng aking tiyan kaya itinakbo nila agad ako sa hospital."

"Kapag nakita ko lang talaga si Bryle, lagot siya sa akin. Buti na lang mayroon 'yung bestfriend mo pati na rin ang mga bodyguards mo. Baka kung ano pa ang magawa ko kay Bryle dahil sa kapabayaan niya!"

"Hayaan mo na. Nangyari na 'e." Natahimik sa kabilang linya kaya muli akong nagpatuloy.

"Katulad nga nang sinabi ko, hindi siya dumating. Pinatawagan ko siya pero hindi daw niya sinasagot. Nakailang ulit daw nilang tinawagan. Kaninang ala-una ng madaling araw dito, umuwi si Bryle at nang tanungin ko siya, sinigawan pa ako at mistulang galit na galit. Wala na naman akong nagawa kundi pabayaan na lang siyang umalis ulit." Dagdag ko.

"Bakit kasi tinitiis mo pa ang lalaking 'yan?" Naiinis niyang tanong sa akin. Muli akong napangiti ng mapait. Kung kaya ko sanang suportahan mag-isa ang aking sarili, hindi ako aasa sa pamilya niya.

Tumagal ang aming usapan. Mag-uumaga na nang matapos kami at hindi man lang ako dinapuan ng tulog. Napagpasyahan kong mag-impake na lamang at linisin ang aming kwarto.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iimpake nang tumunog ang aking telepono. Pero wala akong balak na sagutin dahil hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kaniya.

Ini-end ko ang call.

Pero wala pang sampung segundo ng tumawag ulit ito. Pero hindi ko ito pinapansin at nagpatuloy sa pag-iimpake. Manigas ka riyan Bryle!

Nakailang ulit siyang tumawag pero wala akong sinagot maski isa. Ilang minuto ang nakalipas, may kumatok sa pinto.

Napatigil ako sandali at tumayo. Binuksan ko ang main door ng suite namin ni Bryle at si Lucas ang nabungaran ko habang may hawak na telepono at bihis na bihis.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon