Chapter 8 ~ Karahasan
Mia's POV:
Ngayon na lamang kami ulit magkakausap na magbabarkada tungkol sa kalagayan ko. Hindi namin ito napag-usapang mabuti nung araw na umamin ako sa kanila.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa amin na narape ka na pala? Kung hindi ka pa namin binisita ni Hera ay tiyak na wala pa kaming kaalam-alam sa sitwasyon mo ngayon."
Saad ni Quira na bakas ang galit sa mukha. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na naluluha at nagyuko ulit.
"Natatakot ako."
"Ano bang ikinatatakot mo?" Si Queños na magkasalubong ang dalawang kilay.
"Kilala niyo ang mga Aberla 'diba? Makapangyarihan silang tao. Kung sakaling nagsumbong ako, kayang-kaya nila akong baliktarin."
"Pero ikaw ang kawawa. Bakit ka matatakot 'e siya naman ang kriminal sa inyong dalawa." Si Hera.
"Kahit na. Manahimik na lang tayo at wala tayong pagsasabihan ng nangyari. Tsaka, kapag nalaman ng mga magulang niyo tungkol sa kalagayan ko, baka hindi nila matanggap na nagkaroon kayo ng disgrasyadang kaibigan. Masisira ang reputasyon ng pamilya niyo."
Istrikto ang mga magulang nila kapag reputasyon na nila ang pinag-uusapan. Hindi nila hahayaang masira ang imahe nila sa publiko.
"Edi sasabihin namin rinape ka ni--" Sabat ni Queños pero agad ko na itong pinutol. Umiling ako.
"Na ano? Na rinape ako ng isang Aberla? Sino ang maniniwala sakin ha Queños? Maswerte na ito sa girlfriend niya. Titikim pa ba siya ng iba, ng isang katulad ko?"
Natahimik silang lahat at nag-isip. Saktong dumating ang order namin. Inilapit ni Hera sa akin ang isang Frappe na hindi pa naaksayahan.
Sinadya yatang para sa akin ito. Ngumiti ako sa kaniya at mahinang nagpasalamat.
"Bahala ka. Kung ano ang magiging desisyon mo, susuportahan ka na lang namin. Pero tandaan mo Mia na pinaalalahanan ka namin." Seryosong saad ni Quira.
Tumango-tango ako.
"By the way, alam na ba 'to ng Lola mo?" Tanong ni Queños.
"H-hindi pa."
'Yun pa ang isang ikinatatakot ko, ang pag-amin kay Lola. Iniisip ko ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ang Apo niya ay nabuntis ng maaga lalo na't wala akong asawa o nubyo man lang.
"Kailan mo balak sasabihin?" Si Glen.
"Hindi ko pa alam."
"Kung mas maaga niyang malalaman, mas maaga din niyang mao-overcome iyon." Si Quira.
"Alam niyo naman na may pangarap iyon sa akin 'diba? Tiyak na aatakihin sa puso si Lola."
"Ano nang balak mo lalo na't magkasama na kayo sa iisang bubong ng kriminal na iyon?" Si Glen.
"Nais ng nanay ni Bryle na magpakasal kami ng anak niya para hindi matawag na bastrado ang kauna-unahang Apo niya."
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Storie d'amore"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...