Chapter 60 ~ Dugo
Mia's POV:
Napagkasunduan namin ng barkada na lumabas ngayon at mamasyal sa mall. Patuloy pa rin ang renovation sa kwarto ng kambal at maraming pinapaiba si Mama pati na rin si Bryle kaya natagalan sila.
Imbes na manatili roon ay naisipan kong sumama na lang sa mga kaibigan ko tutal ay wala rin naman akong maitutulong sa kanila dahil kayang-kaya na daw nila iyon. Wala akong nagawa kundi pabayaan na lamang sila.
Naalala ko na naman ng nasa bahay ako nila Luna. Si Melon ang sumundo sa akin at medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil akala ko si Bryle and susundo sa akin.
Pero ano pa nga ba ang aasahan ko?
Tinawagan ni manang Lupeng ang telepono ng security guard ng buong village at pinakausap ito sa akin. They connected the line sa bahay kaya malaya kong nakausap si Brenda at siya na mismo ang nagsabi sa bahay kung nasaan ko.
Pagkarating ko sa bahay, inaakala kong papagalitan ako pero sina manang at Brenda lamang ang nag-alala sa akin. Agad na hinanap ng mga mata ko si Bryle pero wala siya.
May business meeting daw.
Ilang beses pa akong pumupunta sa bahay nila Luna pero hindi ko nadadatnan ang mga magulang niya. Siguro nasa ibang bansa pa at hindi pa umuuwi. Tumatawag kasi si Luna sa bahay at kinukulit akong maipaglaro sa kaniya.
"Kanina ka pa?" Tanong ni Hera kasama si Quira.
"Ang tagal niyo."
"Eto kasi eh! Sobrang tagal kumilos." Inis na sabi nito at ininguso si Quira. Napatawa ako sa kanila. Tumaas ang kilay ng isa at ngumisi.
"Akala mo naman maagang gumising. Nakanganga ka nga kanina ng more than 20 minutes pagkagising mo! Pasabi-sabi pa siya na mauunang maligo pero nganga!" Bwelta ng isa. Inis na lumingon sa paligid si Hera at binigyan ng masamang tingin si Quira.
"Shut your mouth!"
"Nagnight-out na naman kayo kagabi?" Mukhang inaraw-araw ang pagninight-out ah? 'O maraming free time kaya ganyan sila kung umasta.
"Oo at nakisleep-over pa 'to sa bahay." Si Quira.
"Tama na muna 'yan. Asan na ba 'yung dalawa?"
Muli kong tanong dahil daig pa ang mga babae kung kumilos. Hindi naman sila dati ganito. Ano bang nangyayari sa kanila? Ibang-iba ang kilos nila kaysa noon.
Napag-iiwan na talaga nila ako.
Tinawagan nila ang dalawa at papunta pa lang daw. Late daw gumising ang mga ito at may hang-over pa. Ano bang ginawa nila kagabi at lasing na lasing sila?
"Finally!" Si Hera habang nakatingin sa entrance ng ice cream shop na 'to.
"Traffic tsaka pinagkaguluhan kami kanina." Si Quenos. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong polo at ripped jeans. May suot pa itong cap. Ngumiti at nagbeso ito sa amin.
"Ugh! Haggard na tuloy ako."
Si Glen. Humiram ito ng salamin kay Quira at wet wipes para punasan ang namuong konting pawis sa kaniyang noo. Maarte itong nagpunas kaya napatawa kami.
"Ba't kayo pinagkaguluhan?"
"Hindi ka ba nanonood ng balita ha Mia? Sobra naman yatang territorial si Bryle at ayaw magpagamit ng tv?" Si Hera. Tumawa ng malakas sina Quira at Quenos habang si Glen ay mas lalong nainis na parang may naalala.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant (BOOK 1)
Romance"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan...