Chapter 12

27.5K 500 27
                                    

Chapter 12 ~ Balita

Mia's POV:

Pagkatapos kumain, pumunta nga ako sa opisina niya. Baka naiinip na naman siya dahil antagal ko. Napadami ang kain ko ngayon.

Ramdam kong tumataba na ako. Paano ba kasi? Ang sasarap magluto ng mga katulong dito. Mas masarap pa yata silang magluto kaysa sa akin.

Hindi lingid sa kaalaman ko na mayroong pumupunta ditong Chef kada linggo. Siya yata ang nagluluto sa buong araw ng Linggo.

Kumatok ako sa pinto pero wala akong marinig na tugon niya. Napagpasyahan kong pumasok na lamang. Medyo mainipin pa naman akong tao.

Pagpasok ko pa lamang, nararamdaman ko na agad ang lamig ng atmospera dito sa loob. Tumaas rin ang mga balahibo ko sa katawan sa lamig.

As always, nakatodo na naman ang aircon.

Kapag pumapasok ako sa kwarto niya sa magdaan na mga araw, malamig sa loob. Buti na lang at magkahiwalay kami ng kwarto kundi tumigas na ako sa lamig. Magkadugtong ang kwarto at Office niya.

Pinayagan ng Nanay niya na magkahiwalay kami ng kwarto pero kapag kasal na kami, kailangang magkatabi kami sa pagtulog.

Namomroblema nga ako dahil doon. Hindi ako sanay na may katabi sa pagtulog kaya dapat na sanayin ko na ang aking sarili. 

Pero paano ako masasanay kung pagdating sa Aircon pa lang, hindi na kami magkasundo? Pero darating din kami diyan. Chill-chill na muna tayo ngayon.

Tulad ng inaasahan ko, malinis tsaka malawak ito. Parang alagang-alaga. Ano ka ba naman Mia? Syempre dahil opisina niya ito. Pero mas malawak lang ito kaysa sa mga kwarto.

Andon siya sa swivel chair niya at seryosong nakatingin sa kaniyang laptop. Napalingon naman siya sa akin ng ramdam niyang nakatingin ako sa kaniya.

"Sit first. I just finish this." Sabi nito. Agad naman akong umupo sa sofa dito at matiyang naghintay.

Matinding katahimikan ang namayani. Nakakabaliw pala kapag nakasama mo ang isang Bryle Zake Aberla sa iisang opisina.

Tutok na tutok siya sa ginagawa niya. Mga ilang minuto rin akong naghintay nang magsalita ulit siya.

"Naipadala ko na lahat ng mga invitations. Meron ka pa bang idadagdag? Baka nakalimutan mo lang yung iba?"

"Wala na."

"Your relatives except your Grandmother and Aunt?" Nag-isip akong mabuti.

Nag-aalinlangan kong iimbitahan ko ang mga ibang Tiyahin ko. Pero sa huli, nakapagdesisyon akong huwag na lamang.

Alam ko pa naman ang tunay nilang ugali.

"Wala na akong ibang kapamilya bukod kay Tita at Lola." Final na sagot ko at walang balak na sabihin kay Bryle ang totoo.

Naaalala ko na naman ang mga Tita kong mga gahaman sa pera at ari-arian ni Lola noong marami pa siyang ari-arian.

Apat silang magkakapatid. Tatlong babae at isang lalaki, ang Tatay ko. Ang Tatay ko ang panganay sa kanila at tumayong Haligi ng Tahanan dahil maagang namayapa ang Lolo ko.

Nakapag-asawa ang dalawa kong Tiyahin sa may kaya sa buhay sa murang edad. Pero sa pagkakaalam ko, maayos silang namumuhay kasama ang kaniya-kaniya nilang pamilya.

Noong hindi pa sila nakapag-asawa, kay Lola at Tatay sila umaasa sa lahat. Kumbaga, tamad silang magtrabaho. Lahat ng mga naisin nila ay agad na binibigay ni Lola.

I'm Pregnant (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon