Chapter 7

87 7 0
                                    

Chapter 7

 

Terrence's P.O.V

Pumunta nga ako sa coffee shop na sinasabi nya. Sa Ceillis Cafe. Kung hindi ako nagkakamali ay doon sila madalas ng mga kaibigan nya nung high school. Doon sila lagi every friday night. Nakagawian na nila magkakaibigan yun.

Pina-reserve pa pala ni Harry ang buong coffee shop. Iba talaga ang tama nito sa Jaime na yun. At ibang klase din talaga magmahal si Harry.

At kaya lang pala nya ako pinapunta dito ay para tulungan sya na ayusin ang buong resto. Katulong naman namin ang ibang crew at ganun din ang kaibigan nya. Na pinakilala nya din sakin.

 Si Iven at si JM. Na madalas nyang kinukwento sakin dahil sa sobrang pagkababaero. Pero hindi nya nakwento sakin na yun JM pala ay si Miko Sebastian. Ang artistang nasa mga posters ni Linzi na halos buong kwarto nya ay meron.

At may mga nagdatingan din na kaibigan din ni Harry siguro.

"Ang ganda naman." Sabi nung isang babae na maiksi ang buhok.

"Naks... Bi, kayo talaga gumawa nito?" Sabi din ng isang babae na pamilyar din ang mukha sakin. Lumapit ito kay Iven at nag-kiss sa pisngi.

"Bakit parang ayaw mo maniwala." Sabi naman ni Iven. At humawak ito sa bewang ng babae. Girlfriend nya siguro.

"Hindi naman." Pisil nito sa pisngi ni Iven. Ang sweet naman nila.

Napatingin naman ako kay JM na lumapit sa isa pang babae na kasama nung mga naunang dumating. Kinuha nito ang bulalak na dala.

"Talagang alam mo ang favorite flower nya." Sabi ni JM.

"Oo naman." Pagmamalaki ng babae.

 

"Thank you, Alex." Sabi ni Harry. Ngumiti ito kay Harry at napatingin naman sya sakin.

"Sya nga pala... Si Terrence. Sya yung bestfriend ko." Pakilala ni Harry sakin.

 

"Hi." Lumapit ang babae na may maiksing buhok sakin. Tinaas nito ang kamay. "Moira." Nakipagkamay naman din ako sa kanya.

"Nicole." Napatingin ako sa katabi ni Iven. At nakipagkamay naman din sya sakin.

"You look familiar." Sabi ko. Ngumiti sya. Familiar talaga ang mukha nya. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"Yun nga ang lagi nilang sinasabi."

 

"Anak kasi sya ng sikat na artista na si Mila Oliva " Pagmamalaki ni Iven.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon