Chapter 5

98 10 0
                                    

Chapter 5

 

Jaime's P.O.V

Bago kami maghiwalay kagabi nila Alex, Moira at Nics ay pinagpilitan na muna nila na isuot ko daw ulit yung red dress sa friday. Kung saan ay lagi kami nagkikita-kita magkakaibigan.

Syempre hindi muna ako pumayag... Pero ano nga ba ang laban ko sa tatlong yun lalo na kung mag-isa lang ako. Pasalamat pa nga siguro ako at wala sina JM at Lj na kakambal ni Moira kungdi sa umpisa pa lang ng pagtatalo ay talo na talaga ako.

Ako nga pala si Jaime Ann Zapanta.

Ahm...

Nung nag debut ako last year. Instead na mag-message lang sila sakin noong eighteen candles . Ay diniscribe na din nila ako.

'Best... Masaya ako at nalaman mo na din kung ano talaga ang gusto mo. Sana maging successful ka. Pero kung sa bagay si Jaime ka eh. Kaya madali na lang para sa'yo yun. At may napag-usapan din kasi kami. Describe you in one word: LAITERA.' - Alex.

Hindi naman talaga ako laitera... Sa itsura. Sa mga maling kinikilos lang ng ibang tao. Tulad ng mga babaeng nagsusuot ng super duper iksi na short tapos nagagalit kapag binastos.tss.

'Jaime Ann Zapanta... Ang batang walang ginawa kungdi mag-aral. Try mo magka-love life promise masaya. At malalaman mo din na hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganun lagi ang kahihitnanan. You know what I mean. Ahm... OLDMAID' - Moira

Gusto kong sumigaw nun... Halos namula ako sa sobrang inis kay Moira. Hindi naman ako Oldmaid ah!!

'Hi Jaime... Tulad ng sabi ni Moira. Ahm... Pa'no mo naman kasi malalaman na ganun lagi ang isang relasyon kung hindi mo susubukan diba? At... INSENSITIVE' - Loira.

Alam ko naman na hindi talaga galing kay Loira yun kungdi sa kakambal nyang mahusay at magaling. Naku... Moira.

'Happy Birthday ... Jaime. Pagdating ng panahon ikaw na lang ang bahala sa dream house namin ni Iven ah. And sana magbago kana... Hindi yung puro aral at aral at aral at aral. At... Aral. Nagmumukha tuloy kaming B.I. because of you. Then you're so KJ, MANHATER, INSENSITIVE, --' - Nics

 

'Akala ko ba? ---'

'Shhh... I'm not yet done... Hmn... SERYOSO sa buhay, COMPLICATED, and lastly ... Kung sino man ang magmamahal sa'yo for sure --'

'He's so lucky to have you!!' - sabay-sabay na nilang sabi.

Nung panahon na yun, ang lahat ng inis ko ay nawala. Dahil sa sinabi nila sa huli.

'He's so lucky to have me?'

 

Hope so.

...

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon