Chapter 17

67 7 0
                                    

Chapter 17

 

Terrence's P.O.V

 

Nandito ako ngayon sa bahay. Nanunuod ng movie na bagong bili ni Linzi. Ganito kami every weekend at minsan naman ay ako ang bumibili ng DVD, minsan si Thea.

"Mukhang masaya ka yata ngayon ah." Umupo si Linzi sa tabi ko. Ipinatong nya ang dalawang paa sa sofa. Hawak nya ang remote at nag-play na ang movie.

"Yung paa mo?" Hampas ko sa binti nya.

"Wala naman si Daddy kaya okay lang."

 

"Linzi!!" Sigaw ni Thea. Agad nyang binaba ang paa at umupo ng maayos.

"Bleehhh." Pang-aasar ko kay Linzi. Wala nga si Daddy pero nandito naman ang kanang kamay nya na si Thea. Nilapag ni Thea ang hawak nyang tray na may chips, popcorn at juice.

Kinuha ni Linzi ang isang bowl ng chips. "Kuya parang masaya ka yata ngayon?"

 

"Oo nga. Sino ang bagong girl?" Dugtong pa ni Thea.

"Wala yun no." Tanging sabi ko nalang.

"Naku..." Sabi ni Thea.

 

"Wala daw?!" At sabay nilang sabi.

"Wala nga." Kinuha ko ang bowl ng popcorn at kumain. "Wala naman talaga." Bulong ko pa.

 

"Okay." Tanging tugon ni Linzi at sumadal na ito sa pagkakaupo.

Ang totoo nyan ay masaya talaga ako. Dahil tulad ng plano... Mukang unti-unti na syang mangyayari.

 

[Terrence]

"Nag-inum nanaman ba kayo?" Pagkabukas ko ng pinto ay yun agad ang salubong sakin ni Thea.

 

"Ano pa nga." Bumaba ako ng hagdan at sinundan naman nya ako.

 

"Bakit naman sya nag-inum?" Nilingon ko si Thea. Kitang-kita sa mukha nya ang pag-alala. Talagang importante para sa kanya si Harry.

 

"Dahil dun sa nangyari sa kanila nung Jaime." Pagsisinungaling ko. Ang totoo nyan ay hindi ko rin alam kung bakit nakita ko si Harry nung araw na yun sa bar.

 

"Nag-inum nanaman sya dahil dun." Malungkot sa sabi ni Thea. Pero agad syang ngumiti. "Talaga ngang mahal nya si Jaime." Patango-tango nyang sabi at tinalikuran na nya ako.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon