Chapter 20

73 7 0
                                    

Chapter 20

 

Jaime's P.O.V

 

Sa school. Papunta kami ngayon sa cafeteria.

"Anong gusto mo?" Umiling ako. "Pero diba ang sabi mo kanina ay nagugutom ka?"

 

"Sorry Harry, pero...  kasi may pupuntuhan pa ako. Hindi kita masasabayan na mag-lunch."

Ngumiti sya at tumango. "Okay lang."

 

"Sige." Paalam ko sa kanya.

Pumunta ako sa restaurant na nasa tapat lang ng school namin.

Nakita ko sya na naka-upo at pinagmamasdan ang pagkain na nakahain sa lamesa nya. Pinuntahan ko sya at umupo sa tapat nya.

"Sorry kung late." Nakangiti kong sabi. Pero blanko ang reaksyon nya at tinignan lang nya ako. "Late ko na kasi nabasa yung text." Pilit parin akong ngumiti. Pero hindi nagbabago ang reaksyon nya. "Huy?"

 

[Terrence]

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na hindi ako pede ngayon."

 

"Pero pumunta ka parin."

 

"Ay naku." Hindi ko naman din kasi matitiis tong mokong na'to. Umupo na'ko sa tabi nya. "Basta kapag dumating sa punto na wala na akong allowance ay ikaw na ang bahala sakin ah."

 

"Hindi ko mapapangako yan."

 

"Ahh. Grabe." Tinignan ko sya ng masama. Pero kinuha nya ang baso at uminum. "Ano nanaman ba ngayon? Akala ko ay okay na kayo?"

 

"Okay na nga kami." Nilapag nya ang baso. "May nanliligaw na daw sa kanya." Nabalitaan na pala nya.  Tumingin sya sakin. "Na-iinggit ako sa lalaking nanliligaw sa kanya ngayon, dahil sya ay nasabi nya agad na gusto nya si Jaime... Samantalang ako eto." At muli syang uminum. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

 

Ayoko ng ganito. Napahawak ako sa noo ko at uminum din. Tama nga si Jonathan. G'go lang ang makaka-isip na gawin ang ginawa ko. Pero ngayon lang naman to eh. Dararating ang panahon na pasasalamatan din ako ni Harry.

 

Pasasalamatan nya pa ako ah??

 

 Ang g'go ko lang talaga at naiisip ko pa yun. Pero kasi... Para kay Thea ang lahat ng ito. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

 

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon