Chapter 13

91 8 0
                                    

Chapter 13

 

Jaime's P.O.V

"Sira ulo ba sya, baliw na yata yun eh." Kumuha ako ng chips at kinain. Kumuha ako ulit. "Grabe talaga yun... Akala mo kung sinong cute." At sinubo yung hawak kong chips.

 

"Huminaon ka!" Inabutan ako ng softdrink ni Alex.

Nandito kami ngayon sa isang Mall na malapit lang sa school nila. Nakatambay sa foodcourt.

At sinabi ko sa kanila yung nangyari kanina sa library ng Sta.Claro. At tungkol sa ginawa ng lalaking nasa bus. Terrence ba ang pangalan nya. Ay ewan.

"Hindi talaga ako makapaniwala na meron pang nagsasabi nun." Napatingin ako kay Nics. Pati pala sina Moira at Alex ay napatingin sa kanya.

"Sa'yo ko pa talaga narinig yan ah." Sabi ni Moira. Si Nics kasi ay ginawa din nya yun. Hindi naman katulad talaga sa ginawa nung lalaking yun na nasa bus. Pero sinabihan din nya nung high school pa kami si JM na gusto nya ito at gagawin nya daw ang lahat para magustuhan din sya nito.

"Huh?... Ano naman." Kumuha si Nics ng Chips at umiwas ng tingin samin.

 

"Huwag mong sabihin Nics na ginawa mo din yun dati??" Tanong ni Alex.

"Oo Alex, grabe talaga nung araw na yun." Kwinento ni Moira ang nangyari nun.

"Talaga palang in love ka JM noon ah." Sabi ni Alex.

"High school pa ako nun!!... Ngayon iba na dahil college students ang nagsabi nun ngayon." Naiinis na sabi ni Nics. Tumingin sya sakin. "Ano nga pala ang ginawa mo pagkatapos nun?"

 

"Oo nga. Diba sa'yo na nanggaling na cute sya. Tinanggap mo ba? Gusto mo din ba sya?" Tanong din ni Alex.

"Jaime ah, alam kong alam mo na gustong-gusto namin na magka-boyfriend ka na. Na isa kami sa mga pumipilit na mag-boyfriend ka na. But please huwag sa mga ganung klaseng lalaki dahil yung mga ganun ay ang tipong hindi nagseseryoso."

 

"Tama." Pagsang-ayon pa ni Nics kay Moira. "Yung mga ganung klase ng lalaki ay magagaling lang sa umpisa."

 

"Alam ko naman yun."

 

"Pero ano nga ba ang ginawa mo?" Tanong ni Alex.

"Huh?"

 

"Anong sinagot mo sa kanya?"

 

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon