Chapter 15

80 7 0
                                    

Chapter 15

 

Jaime's P.O.V

Natapos ko na ang chapter two ng thesis ko. Kaya nasa last chapter na'ko ang Methodology.

To: Thea

      May klase ka ba ngayon? Pupunta ako ng Sta.Claro, pede tayo magkita? Isasa-uli ko na sana yung book.

 

Kanina ko pa sya tini-text pero hindi sya nagre-reply kaya si Harry na ang ti-next ko pero hindi din sya sumasagot.

Nandito lang ngayon ako sa bahay. Maaga din kasi natapos ang klase ko kaya umuwi na din ako ng maaga para makapagpahinga at matulog. Pero hindi ko din sya nagawa...

Dahil sa libro na bigay nung lalaki na si Terrence ba yun? Hindi ko pa sya tinatanggal sa pagkakabalot sa plastic at yung sticky note ay nandun pa. Gusto ko na syang basahin pero mas gusto ko syang isa-uli.

Kinuha ko ulit ang cellphone.

To: Thea

      Please, text ka naman.

 

At tumunog ang cellphone pero si Nics ang nagtext. Pinapaalala lang sakin na friday ngayon. At yung tungkol sa cake na sakin naka-assign. Birthday kasi ngayon ni Moira at e-su-surprise namin sya mamaya.

"Ay... Bahala na." Ipinatong ko ang cellphone sa lamesa at pumunta na sa bathroom. Kailangan ko na din kasi na mag-ayos.

...

Pagtapos ko mag-ayos ay tinignan ko agad ang cellphone ko.

From: Thea

          Sorry, katatapos lang kasi ng klase ko. Okay, I'll wait you na lang sa gate ng school.

 

Kaya dumaan na muna ako sa Sta.Claro. At nakita ko nga si Thea nasa may pathway na malapit sa gate ng school nila.

"Thank you." Abot ko sa libro.

"No problem." Nakangiti nyang sabi.

"Na-istorbo pa kita."

 

"Wala yun. Goodluck nga pala sa defense mo."

 

"Kinakabahan nga ako. Pero matagal pa naman din yun. At thank you din pala dahil hiniram mo pa tong book para sakin."

 

"Okay lang." Nakangiti nyang sabi. "Ay  Sige, may klase pa kasi ako."

 

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon