Chapter 31

44 4 0
                                    

Chapter 31

 

Terrence's P.O.V

 

Ako, naiinis ako dahil ang pinaka malaking kasalanan na nagawa ko ay nung pinakilala ko si Thea kay Harry. Pero si Harry, hindi ko napigilan na mapangiti sa sinabi nya.

"Isang malaking pagkakamali na hindi ko sya pinakikilala sa'yo agad."

 

Pero pinagpapasalamat ko ang malaking pagkakamali na yun ni Harry at ganun din ang pagpapasalamat ko na pinakilala ko si Thea kay Harry. Kung hindi dahil dun ay baka hindi ko maging girlfriend si Jaime ngayon.

"Gusto ko nun?" Napatigil ako ng maramdaman kong tumigil si Jaime. Habang naglalakad kasi ay hawak-hawak ko ang kamay nya. Tumingin ako kung saan ang tinutukoy nya.

"Waffles?"

 

"Kain muna tayo." Nakangiti nyang sabi.

"Pero diba?"

 

"Please."

 

"Kakakain lang natin eh."

 

"Please... Sige na." Ano pa nga ba? Binili ko sya. Yung mga naging ex-girlfriend ko ay hindi maubos ang isang meal pero sya -- naubos na ang isang meal, nagyayaya pang kumain ng waffles. Ibang klase talaga.

"Kamusta naman ang naging resulta ng defense mo?" Tanong nya habang kumakain ng waffles.

"Okay naman."

 

"Sigurado nang aakyat ng stage." Nakangiti kong sabi.

"Mabuti pa ang boyfriend ko ay aakyat na nang stage... Samantalang ako."

 

"Gusto mo punta tayo sa school?"

 

"Para ano?"

 

"Akyat tayo ng stage." Tinignan nya ako ng masama. "Eto naman hindi mabiro... Isang taon na lang naman din ang hihintayin mo ah."

 

"Pero nakaka-inggit parin. Pero syempre proud ako sa'yo."

 

"Basta ba para sa future natin eh." Ngumiti lang sya. "Gagawin ko ang lahat."

 

"Sabi mo yan ah."

Masaya ako ngayon dahil kay Jaime, at lalo pa akong naging masaya dahil okay na ang lahat tungkol samin ni Harry. Hindi ako pinag-isipan ng masama ni Harry, kahit kailan hindi nya ginawa sakin yun.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon