Chapter 26

63 6 0
                                    

Chapter 26

 

Jaime's P.O.V

 

Kami na ni Terrence!!

Yakap-yakap ko ang unan ko at pagulong-gulong sa kama. Hindi talaga ako makapaniwala na hindi na'ko kasapi ng NBSB o no-boyfriend-since-birth. At sa club ng never-been-kissed.

Ayss..

Yung first kiss ko.

"Jaime?" Napa-upo ako at inayos ang sarili.

"Daddy?!"

 

"Kaya pala hindi mo nadidinig ang mga katok ko eh ay dahil nagdi-daydreaming ka." Ngumiti ako at tumayo. "Nandyan na yung man of your dreams."

 

"Daddy!!"

 

"I'm not kidding. He's really here." Tinignan ko sya ng may kasamang pagtataka. "Jaime... Gusto mo sabihin kong busy ka."

 

"Don't."  Lumabas na si Daddy at inayos ko na ang aking sarili.

Hindi naman sa ayaw kong maniwala kay Daddy pero kasi nung mga nakaraang araw ay wala syang ginawa kungdi ang lokohin ako. At kahit anong pilit ko kung ano ang napag-usapan nila nung araw na una silang nagkita ni Terrence ay ayaw na din sabihin sakin.

Kahit si Terrence. Ayaw din magkwento.

Pagbaba ko ay nakita ko sya na naka-upo sa sofa habang masayang nakikipagkwento kay Daddy at habang umiinum ng coffee.

 

"Hi." Bati ko. Tumayo sya at pinuntahan ako. Ki-niss nya ako sa pisngi.

"Mukang makaka-istorbo ako." Tumayo din si Daddy. " Sa kusina lang ako." Paalam ni Daddy.

"Nagbi-bake pala ang Daddy mo?" Tumango ako. At umupo na kami sa sofa. "Wala syang work? Diba may restaurant ang Daddy mo?"

 

"Every weekend kasi ay hindi sya pumapasok. Yung ka-business partner nya ngayon ang nag-aasikaso. Sa Hotel naman ay every weekend ay hindi talaga sya pumapasok."

 

"Buti pa ang Dad mo no."

 

"Bakit naman?" Kwinento nya ang tungkol sa Daddy nya na lagi daw busy. "Para naman din siguro sa inyo yung ginagawa nya."

 

"Like what he always said. For us nga yung ginagawa nya."

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon