Chapter 28

63 5 0
                                    

Chapter 28

 

Jaime's P.O.V

 

Isa-isa kong inaayos ang mga paper works ko at inilalagay sa bag ng laptop ko. Pauwi na'ko. Tulad kahapon ay maaga natapos ang klase ko dahil tapos na naman din ang lesson namin na dapat e-discuss sa major subject kaya wala nang edi-discuss pa ang professor namin. Oral defense na lang sa thesis kaya ibinigay na din ng Professor namin ang schedule kung kailan ang defense namin.

At final examination pa pala. Ay naku, kaya kapag end of semester talaga... Hindi nauubusan ng gawain. Buti na lang at natapos ko na yung mga naunang assignment, project at blue prints.

Sinalubong ako ni Terrence sa gate ng university. Agad nyang kinuha ang bag ko at ang bag ng laptop. Ki-niss ko sya sa paraan na madalas naming ginagawa... Ki-niss ko na muna ang dalawang daliri ko at idinikit sa pisngi nya.

"Busy yata ang girlfriend ko ngayon ah." Ng makarating kami sa sasakyan ay pinagbuksan nya ako pinto at sumakay na'ko. Sinundan ko sya ng tingin habang papunta sa pinto ng driver seat at sumakay na din sya. "Maraming gawain?" Tumango ako. "Huwag na lang kaya muna tayo tumuloy." May hindi kasi kami natuloy na lakad nung isang araw, kaya ipinilit nya makabawi kahit ilang beses kong sabihin sa kanya na hindi na naman yun kailangan pa.

"Hindi. Tumuloy tayo, kaya ko naman tapusin yun mamaya."

 

"Sigurado ka?" Ngumiti ako bilang sagot. Pumunta na kami sa bookstore. Kailangan din kasi bumili ni Terrence ng book para sa major nya at bibili din sya ng damit na susuotin para sa graduation nya. Gra-graduate na din kasi sya ngayong March.

"Eto bagay sa'yo to." Abot ko sa kanya ng black na polo na may touch ng white.

"You think so?" Ngumiti lang ako at naghanap pa ng ibang kulay ng polo. Hindi rin kasi ako sure na gusto nya yun. Eto...

"Eto kaya?" Plain polo na blue. Tinapat ko ito sa kanya at tinignan sya. "Ano?"

 

"Ikaw?" Binalik ko yung polo sa pinagkuhaan ko. "Bakit mo binalik?"

 

"Kanina ka pa. Ang laging sagot mo -- 'bahala ka', 'you thing so?' At 'ikaw?' Nagsa-suggest lang naman ako kung anong maganda... Kaya decision mo pa rin kung anong bibilhin dahil ikaw ang magsusuot." Ngumiti lang sya sinabi ko. "Ang hirap mo kayang hanapan."

 

"Huh? Bakit naman?" Pagtataka nya. Umiwas ako at muling tumingin sa mga polo. "Huy? Bakit nga? Wala bang bagay sakin?" Pa'no ko ba sasabihin.

"Eto na lang." Kinuha ko ang white plain polo at tinapat sa kanya. "Bagay?" Nakangiti kong sabi.

"White polo lang ba ang bagay sakin?" Kinuha nya sakin ang polo at pumunta na sya sa counter. Sinundan ko sya.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon