Chapter 18

78 6 0
                                    

Chapter 18

 

Terrence's P.O.V

 

Nasa kwarto lang ako. Nakahiga sa kama at pilit na binabasa ang book na pinahiram sakin ni Jaime. Nakakainis naman kasi -- bakit ko pa nasabi na mahilig din ako magbasa ng novel tulad nya.

"Kailan ka pa natutong magbasa nito?" Kinuha ni Linzi ang libro sakin. Umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Kailan ka pa natutong hindi kumatok sa pinto ng may pinto?" Ngumiti lang sya at umupo sa sofa na nasa tapat ng kama ko.

"Ano to? 'The Count of Monte Cristo' nagpapatawa ka ba Kuya? Binabasa mo'to?"

 

"Ano naman ba sa'yo. Edi magbasa kadin kung gusto."

 

"Ayoko nga... Boring kaya." Tumayo ako.

 

"Akin na nga yan." Kuha ko dun sa book. Pumunta ako sa pinto at biniksan to. "Kung wala kana naman ding sasabihin na maganda... Umalis ka sa kwarto ko." Tumayo naman sya at lumapit sakin.

"Meron kaya akong magandang sasabihin..." Pang-aasar naman nya. "Anong gusto mong unahin Kuya? Good news o badnews?"

 

"Bahala ka." Hinawakan ko sya sa balikat at patulak na nilalabas sa kwarto ko pero hindi sya nagpapatalo.

 

"Okay ... Okay.." Tinaas nya ang dalawang kamay na parang nahuli sya ng pulis. Tinigil ko na din ang pagtulak sa kanya. Humarap sya sakin. "Goodnews is sabi ni Ate Thea ay na-deposit na daw satin yung allowance for one month." Ganun kasi si Daddy. Hindi nya samin inaabot ng cash yung allowance namin kungdi ay diretso na sa ATM namin.

"Badnews?!"

 

"Uyyy.. Curious."

 

"Tss. Ano nga yun?"

 

"Nabawasan po yung allowance mo." Hindi ko alam kung malungkot sya sa nangyari o nang-aasar sya. "Dahil kay Harry. Sa pag-uwi mo ng lasing at syempre sa pagpapahiya mo kay Daddy sa mga kakilala nya."

 

"Alam ko. Yun lang ba?!" Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya. Nadismaya sya dahil iba ang inaasahan nya na reaksyon ko. Hindi naman kasi big deal para sakin ang nangyari. Sanay na naman din ako sa ganun.

Ganun din sa pang-aasar nya. Gawain na talaga nya yan ang asarin ako sa kahit anong paraan.

"So you can leave now?"

 

"Hmn... But one more thing, I saw you kanina with a girl. Sya ba yung bago?"

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon