Chapter 39

47 5 0
                                    

Chapter 39

 

Jaime's P.O.V

 

Pagkatapos ng ceremony ay pumunta na kami sa Ceillis Cafe para mag-celebrate. Nagsidatingan din sina Philip na boyfriend ni Moira at si Loira na kakambal ni Moira. (Eyam: basahin nyo po ang “I Envy You” para malaman ang kwento ng magkakambal na sina Moira Jane Sariones at Loira Jean Bargaza)

Napansin nyo ba? Lahat sila may boyfriend, dati-dati ay okay lang sakin na wala, okay lang na lokohin nila ako na ako lang ang walang boyfriend. Pero ngayon ay hindi na nila kailangan na asarin pa ako para mainis.

Hindi naman sa inis ako, inggit pwede pa. Ayy... Ano ba tong iniisip ko. Dapat maging masaya na lang ako para sa kanila. Para sa kanila ang araw na ito at kung ano man ang problema ko ay dapat kinakalimutan na.

"Hi." Umupo si Harry sa katapat kong upuan. Ngumiti lang din ako. "Kamusta?"

"Okay lang." Isa nanamang kasunungalingan.

"Jaime." Napatingin ako kay Miggy na umupo sa tabi ko. "Kamusta ka na?"

"Huh?!"

 

"Ano ba Miguel." Hinampas sya ng mahina ni Alex sa balikat.

"Ay wala... Kalimutan mo na Jaime."

 

"Alam mo din?" Lahat halos sila ay nagtinginan sakin. Alam nya din siguro ang nangyari sakin... Ang tungkol sa ginawa ni Terrence sakin."Siguro nauna mo pa nalaman keysa sakin no?" Sarcastic kong sabi.

"Jaime." Nagulat si Miggy sa naging reaksyon ko. "Sorry."

 

"Okay lang, ano ba kayo?" Tumingin ako sa kanila. "Alam ko naman na para sakin yung ginawa nyo. Naiintindihan ko naman." Umiwas ako ng tingin sa kanila. Kinuha ang baso ng iced tea at uminum.

"Ikaw kasi." Bulong ni Alex.

"Sorry." Sabi naman ni Miggy.

Pagbaba ko ng baso ay napatingin ako kay Harry na titig na titig sakin. Iba ang mga tingin nya, tingin na para bang alam nya ang totoo kong nararamdaman. Na kahit sabihin kong okay lang ako ay alam nya na nagsisinungaling lang ako.

Harry, masakit. Sobrang sakit... Sana ikaw na lang yung minahal ko baka sakaling hindi ko pa to naramdaman. Baka sakaling masaya din ako katulad ng mga kaibigan ko ngayon.

...

Lumabas na muna ako ng coffee shop. Naging mean ako sa mga kaibigan ko. Masaya sila, malungkot ako... At  wala akong karapatan na idamay sila kasi ako naman ang pumili na maging malungkot.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon