Chapter 43

63 6 4
                                    

Chapter 43

 

Jaime's P.O.V

 

Paggising ko ng umaga ay agad akong nagbihis at nag-ayos. Pumunta na muna ako sa Sta. Claro University.

Pumunta sa mismong library nila.

Pagdating ko sa second floor, lumapit kaagad ako sa bookshelf kung saan nakita ko ang libro na may sticky note na galing kay Terrence. Kinuha ko mismo ang libro at inilagay ang wedding invitation namin ni Harry.

Terrence, may tiwala ako sa'yo. Kung ano ang magiging desisyon mo ay tatanggapin ko. Kahit na ano pa yun.

...

Pagdating sa bahay...

"Saan ka ba galing?" Salubong sakin ni Nics na hinila pa ako paakyat sa kwarto. Naka-ayos na din sya.

"Naku, mabuti at nandito kana." Hinila din ako ni Moira at pina-upo sa tapat ng salamin. Lumapit nadin samin ang make-up artist na mag-aayos sakin.

"Pagandahin nyo po sya ah." Nakangiting sabi ni Nics.

"Oo naman po." Sagot naman lalaki na bisexual.

Inayusan na nila ako, nilagyan ng make-up, inayusan ng buhok, tinulungan na ayusin ang wedding dress ko at ang huli ay nilagyan ng belo ang buhok ko na nakapusod.

"Such a beautiful bride." Sabay-sabay na sabi ng mga abay ko na sina Moira, Loira, Nics at Alex.

Humarap ako sa salamin at nakita ko nga ang sarili na suot ang wedding dress. Ibang-iba ako ngayon... Parang hindi ako si Jaime na kilala ko. Pero bakit parang may kulang.

 

"Jaime, mauna na kami ah." Paalam ni Alex. Ngumiti lang ako sa kanila at tumango.

"Ang ganda mo talaga." Sabi ni Loira.

 

"Thank you."

 

"Sige." Paala na din nito at umalis na sila.

Mga ilang minuto din ang lumipas ay dumating na din si Daddy.

 

"Jaime?" Napatingin ako sa kanya sa may pintuan. Naka-black coat sya na may kunting touch ng white. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Ano Daddy? Bagay ba sa little girl nyo?" Umikot pa ako para makita nya wedding dress ko.

"Kahit ano pa ang suotin mo, you always be beautiful."

 

"Thank you."

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon