Chapter 16

76 7 0
                                    

Chapter 16

 

Jaime's P.O.V

 

Sa cafeteria.

"Thank you." Sabi ko kay Harry ng iabot nya sakin ang drink na binili nya. "Ako dapat ang gumawa nito sa'yo." Ngumiti lang at umupo sa tapat ko.

"Talagang seryoso ka dyan ah?"

 

"Kailangan ko na tong matapos."

 

"Yan ba yung thesis mo?" Umiling ako.

"Iba to. Blue prints, kailangan ko na matapos yung naka-assign sakin."

 

"Totoo nga ang sabi ni Alex, simula nang nag-shift ka ng course ay naging busy kana." Ngumiti lang ako sa sinabi nya. Yun ang sinasabi nila pero hindi ko naman maramdaman na naging busy talaga dahil kahit papano ay minsan naiinis ako kasi wala akong ginagawa. Parang napaka-boring kasi ng life ko kapag ganun. Mas gusto ko lang talaga na may ginagawa. Ganun na'ko dati ah.

"Oo nga pala." Kinuha ko ang sketch book ko at pinilas ang isang papel dun namay drawing. "Para sa'yo." Kinuha nya naman to.

"Ano to?" Tinignan nya ang papel. Drawing yun... Isang garden na lagi nyang kinukwento sakin. Sa dami ng kwento nya tungkol sa garden na yun ay sinubukan kong e-imagine at e-drawing.

"Sana magustuhan mo. Yan yung garden na laging mong kinukwento sakin." Gusto ko din sana mapuntahan yung garden yun. Ang ganda siguro nun. Para kang nasa paraiso.

 

"Oo nga. Maganda sya, halos katulad narin nung garden."

 

"Mabuti naman pala kung ganun?" At napakunot sya ng noo. Tinitigan ako na para bang may nagawa akong kasalanan. "Bakit?"

 

"Parang may gusto kang mangyari." At ngumiti sya ng nakakaloko. Ngumiti din ako. Nakuha nya yung gusto ko, ginawa ko talaga yung drawing para yung parusa ko ay -- okay na. "Hindi."

 

"Ano?!"

 

"May parusa parin ikaw sakin."

 

"Akin na yan." Kukunin ko na sana yung papel pero inalayo nya sakin to. "Ang daya naman eh."

 

"Kung hindi ako nagkakamali ay ako ang magsasabi ng parusa hindi ang taong paparusahan."

 

"Nagbabasakali lang." Nakangiti kong sabi. "Ang tagal mo kasing magsabi." Ilang linggo na pero wala parin yung parusa. Yan tuloy lagi kong naiisip kong ano ba yun. Muling kong sinimulan ang pagdra-drawing para sa assignment ko.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon