Chapter 4

105 10 0
                                    

Chapter 4

 

Terrence’s P.O.V

 

"Kuya!!" Tinatapik-tapik nya ang balikat ko.

 

"Hmn..hmn." Tinabig ko yung kamay nya at nagtalumbong ng kumot.

"Huwag mong sabihin na nag-inum ka nanaman!!!" At hindi na tapik ang ginawa nya. Hinampas na nya ako ng malakas sa balikat.

 

"Ano ba!?" Napabangon ako at nakita si Linzi na nasa pintuan na at nakasilip. "Siraulo ka talaga!!"

 

"Kapag hindi ka nagising -- nagagalit ka! Kapag ginising ka -- nagagalit ka parin."

 

"Ano?"

 

"Ah ... Basta sa susunod na tinanghali ka ng gising. Hinding-hindi na kita gigisingin pa. Bahala ka na!!" At sinara na nya ang pinto.

 

"Linzi!!!"

 

"Heh!!!!"

 

Ng bumukas ang pinto.

"Magsigawan ba daw?!" Naiirita na sabi ni Thea. "Lasing ka nanaman?" Umiwas ako ng tingin. Humiga ulit at muling nagtalumbong ng kumot. "Si Harry ang kasama mo?" Hindi ko sya pinansin pa. "Hoy Terrence." Hinampas-hampas nya ako sa paa.

"Oo." Alis ko ng kumot.

"Bakit parang napapadalas yata?"

 

"Hindi ko alam."

 

"Hindi mo alam." Tumayo na'ko at pumunta sa bathroom.

"Ikaw ang--"

 

"Ay naku Thea... Please mamaya na at masakit ang ulo ko."

 

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit masakit yang ulo mo!!!" Sigaw nya mula sa labas.

Binuksan ko ang gripo at naghilamos. At ang narinig ko lang ay ang pagsara ng pinto. Salamat naman at umalis na sila.

Napahawak ako sa ulo ko at tumingin sa salamin.

 

"Ay naku Harry." Napailing-iling na lang ako. Dahil sa kanya kaya napapadalas ang pag-sakit ng ulo ko.

Isama mo na din yang Jaime na yan na isa din sa mga dahilan kung bakit napapainum na din si Harry.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon