Chapter 34

45 4 0
                                    

Chapter 34

 

Jaime's P.O.V

 

Kanina, sinabi sakin na may family dinner nanaman daw sina Terrence pero sa pagkakataong ito ay gusto nya akong isama. Para mapakilala nadin nya ako sa mga kapatid nya at sa Daddy nya. Nakaramdam ako ng saya ng marinig ko yun.

Bukas ng gabi ay susunduin nya daw ako dito sa bahay. Grabe, excited ako pero at the same time ay kinakabahan din ako. Dahil baka hindi ako magustuhan ng Daddy nya, o kaya baka nakakatakot yung Daddy nya. Base din sa mga kwento nya. Tss. Pero okay lang, basta kay Terrence.

Kinuha ko ang remote at inilipat ng channel ang pinapanuod ko. Ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan. Ti-next lang ako ni Alex  tungkol sa nangyari kagabi. Naku... Pasimuno kasi si Moira. Nagulat na lang ako ng pagbalik nito galing sa ibaba ay may dala na itong dalawang alak ng bote.

Ng e-exit ko ang message ni Alex ay nakita ko ang pangalan ni Terrence. Nag-text pala sya kagabi, Binuksan ko'to.

From: Terrence.

         I Love you, Jaime.

 

Yun lang ang text nya. 12:03 a.m ang nakalagay na oras sa message. Siguro nabuksan ko na ito kagabi pero hindi ko na lang maalala.

...

7:35 p.m.

Kumakain ng hapunan kasama si Daddy.

"Dad!"

 

"Hmn?" Tanging tugon nya habang kumakain.

"Tomorrow night po kasi ay may lakad kami ni Terrence?"

 

"Saan naman?" Tanong nya ng hindi man lang tumitingin at seryosong kumakain.

"May family dinner po kasi sila..." Napatingin si Daddy sakin. "Gusto nya po akong sumama."

 

"Family dinner?" Tumango lang ako. "May plano na ba kayo magpakasal?"

 

"Dad?!"

 

"Ipapakila kana sa parents nya, ano sa tingin mo ang --"

 

"OA nyo naman po Daddy? Kasal agad ang iniisip nyo. Hindi po pwede na gusto lang nya ako pakilala sa family nya." Umiwas si Daddy ng tingin sakin. "Na gusto nyang maging legal lang kami sa parent nya."

 

"Okay.okay... Pero 9:00 p.m dapat nandito kana."

 

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon