Prologue

247 11 0
                                    

PROLOGUE

Pagkauwi ko galing sa school ay dumaan na muna ako sa bake shop para bumili ng cake.

Pagkadating ko sa bahay.

"Kuya? Ano yan?" Salubong sakin ng bunso kong kapatid na si Linzi.

"Hindi mo ba nakita." Tinaas ko ang cake. Tinignan nya ako ng masama at ngumuso. "Si Thea?"

"Hanapan ba ako ng nawawala." Tinignan nya ako ng masama at tinalikuran ako.

 

"Aba." Pero bago pa maka-alis ay lumingon muna sya ulit.

"Blehh." At umalis na sya.

"Pasaway talaga... Tss." Sinimulan ko ulit hanapin si Thea. Bakit kasi ang laki-laki ng bahay ng asawa ni Mommy. Yan tuloy ang hirap hanapin ni Thea. Pumasok ako sa kusina kung saan naman sya madalas. Pero wala sya. Palabas na sana ako ng may…

"Mahal kita!" Napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Thea mula sa labas. "Hindi ka nya mahal. Pero ako ... Mahal na mahal kita!!"

Lumapit ako sa may bintana ng kusina at sumilip. Nakita ko sya sa hardin ni Mommy na umiiyak habang nagtatapat ng totoo nyang nararamdaman sa bestfriend ko.

"Althea." Tanging nasabi lang ng kaibigan ko.

"Bakit ba hindi na lang ako..." Patuloy ni Thea.

Tanong din sa sarili ko yun. Bakit nga ba hindi na lang ako?

"Ako na lang please... Ako na lang ang mahalin mo."

 

Please... Ako na lang ang mahalin mo. Ako na lang please Thea. Dahil kung ako ang mamahalin mo ay hinding-hindi ko hahayaan na mangyari sa'yo to ngayon.

Hinding-hindi kita pa-iiyakin.

Pero alam ko naman din na hindi ka magiging masaya. 

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon