Chapter 35

60 7 4
                                    

Chapter 35

 

Terrence's P.O.V

 

Nagpaalam si Jaime na pupunta lang ng washroom at ganun naman din si Thea. Nandito kami ngayon sa hotel na pagmamay-ari ni Daddy. May family dinner kami, kasi next week ay graduation na namin ni Thea. Ideya din to ni Daddy.

 

"She's pretty." Napatingin ako kay Linzi.

"Pero mas pretty parin ako." Panggagaya ko sa sinabi nya kanina kay Jaime. Natawa lang si Linzi sa panggagaya ko sa kanya. "You're so mean." Seryoso kong sabi.

"Mean?! I am not. Sinasabi ko lang naman kung ano ang totoo."

 

"Kung ano ang totoo." Sarcastic kong sabi.

"Where's Jaime?" Tanong ni Daddy ng umupo ito. "And Thea?" Ng mapansin nyang wala din si Thea.

 

"Nasa washroom." Si Linzi ang sumagot. Ng mapansin ko si Thea na nakabalik na galing washroom at umupo sa tabi ni Daddy. "Nauna kapa?" Pagtataka ni Linzi.

Hindi sya sumagot at tumingin sakin. Kakaibang tingin, nung mga nakaraang araw pa syang ganyan sakin. Bibihira akong kausapin at kung makatingin sakin ay parang may nagawa akong mali.

"Bakit?" Pagtataka ko. Umiling lang sya at umiwas ng tingin sakin.

Ilang minuto ang lumipas pero wala parin si Jaime. Nakaramdam na'ko ng pagkabahala at pag-aalala. Muli akong tumingin kay Thea, pero umiwas lang sya ulit.

"Bakit wala pa si Ate Jaime?" Bulong ni Linzi habang kumakain.

"Hindi ba kayo nagkita?" Tanong ko kay Thea.

"Nagkita... at nauna pa syang lumabas sakin." Sabi nya ng walang emosyon.

 

"Nauna?" Napatayo ako. At agad na pumunta sa washroom. Wala akong pakialam kung CR ito ng mga babae, basta na lang akong pumasok at hinanap si Jaime. Pero wala sya.

Paglabas ko ng washroom ay tumingin-tingin ako sa palagid ng restaurant. Lumabas na'ko at hinanap sya sa lobby ng hotel. Pinagtanong-tanong sa mga valet at sa receptionist si Jaime pero hindi din daw nila napansin na lumabas ito.

Jaime nasan kaba??

Ng maala ko ang mga tingin ni Thea sakin kanina, hindi kaya...

[Terrence]

Nandito ako ngayon sa bar, kasama sina Jonathan at Kenzo. Nagkayayaan din kasi.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon