Chapter 11

90 8 0
                                    

Chapter 11

 

Jaime's P.O.V

Nandito ako ngayon sa Bus Stop. Pupunta kasi ako ngayon sa Sta.Claro University. Ngayon na chapter two na ako ng thesis ko. Ang Review Related Literature o RRL.

Kinakailangan ko talaga na tumambay sa library nila.

Kanina palang umaga ay tinitext ko na si Thea pero hindi sya nagrereply. Kaya nung tinawagan ko na sya. Malamya ang boses nya at hindi nya daw ako masasamahan dahil may gagawin pa daw sya.

Naku. Mukhang nakaka-istorbo na rin ako sa kanya.

May tumigil na bus. Sumakay na'ko. Tulad ng dati ay standing nanaman. Humawak ako sa sandalan ng upuan para baka sakaling prumeno ay hindi ako matumba.

"Miss." Napatingin ako sa lalaki na naka-upo. Tumayo sya. "Upo ka." Turo nya sa upuan. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita si Ate na nasa 30's na siguro.

"Ate..." Agad namang napalingon ang katabi kong Ate. "Upo po kayo." Turo ko dun sa upuan ng lalaki kanina.

 

"Ay thank you." Umupo na si Ate. Ngumiti lang ako kay Ate. Ay ramdam na ramdam ko naman ang tingin ng lalaki sakin. Pero hindi ko sya nilingon at tumingin lang sa may bintana.

Mga lalaki nga naman talaga ngayon. Minsan na nga lang maging gentleman ay namimili pa sila. Tss.tss.

Naalala ko nanaman tuloy yung lalaki na ganun din ang ginawa. Ang lalaki na grabe din makatingin.

Ays.

Iisa lang pala ang lalaking grabe makatingin dito sa bus at ang lalaking nasa mall. Ganun din ang lalaking nagbato ng bote sa basurahan.

At yung mga tingin nya nung huling pagkakataon na makita ko sya. Nakaka-kaba. Hindi dahil grabe sya makatingin kungdi ang cute nya. Lalo na nung ngumiti sya.

...

Pagdating sa school ay dumiretso na agad ako sa library nila. Open naman kasi ang library nila para sa mga taga-ibang school. Ganun naman din kasi samin sa CDLC.

Kinuha ko yung mga Libro na madalas na pinapabasa sakin ni Thea at nanghiram na din ako ng mga Thesis ng ibang students na kapareho ng Thesis ko.

Natapos ko na din ang iba. Marami nadin akong nakuhang RRL. Pinatay ko na muna ang Laptop at sumandal. Masakit na din kasi ang mga mata ko.

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa book. At tinignan kung may nag-text. Meron nga. Sina Moira, Alex at Nics. Nagtext din si JM pero si Harry. Nung isang linggo pa ako hindi nakaka-recieve ng text mula sa kanya.

At hanggang ngayon ay hindi pa nila ako binibigyan ng parusa para sa hindi ko pagtuloy sa Restaurant nung nakaraang friday. Ipinaliwanag ko na naman din sa kanila ang lahat. Dahil text sila ng text nung gabing yun. Baka nag-aalala sila kaya tinawagan ko na din sila at ipinaliwanag ang lahat.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon