Chapter 42

41 5 0
                                    

Chapter 42

 

Terrence's P.O.V

Nalaman ko na si Jaime at Harry ay ikakasal na dahil kay Thea. Kay Jaime nya daw ito mismo nalaman.

Kaya umuwi agad ako ng Manila.

Ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan sya sa bahay nila matapos ang ilang buwan na hindi kami nagkita. Akala ko kung palilipasin ko ang mga araw ay baka sakaling magbago ang tingin nya sakin at mapatawad na nya ako. Pero mali pala na hinayaan ko lang ang lahat.

Nakuha ko ang bago nyang number  kay Kristine, classmate nya. Tinawagan ko sya. Pero agad naman nyang binaba ng marinig nya ang boses ko.

Hindi ako sumuko at tinawagan sya ulit.

"Please, Jaime... Answer my call." Sabi ko habang nakatingin sa mismong bintana ng kwarto nya. "Please." Kahit sa huling pagkakataon ay gusto kitang makita.

At hindi nga nya ako binigo dahil sumilip sya sa bintana at hindi lang yun at sinagot nya pa ang tawag ko.

"Bakit?" Sagot nya sa tawag ko.

"Ikakasal ka na?" Tanong ko habang nakatingin parin sa kanya.

"Oo." Sagot nya agad.

Para akong binuhusan ng isang timba ng yelo. Grabe... Mas masakit pala na sa mismong sa kanya manggaling. Kahit na naramdaman ko ang luha sa pisngi ko ay pinilit ko parin na ngumiti.

"Conratulations, sabi ko na nga ba... Kayo talaga para sa isa't-isa."

 

"Terrence." Mahina nyang sabi. Nakakamiss pala ang pagtawag nya sa pangalan ko. Akala ko ay hindi ko na maririnig yun. Kinagat ko ang mga labi ko para kahit papano ay mawala ang sakit.

"Best wishes, Jaime. Alam kong magiging masaya ka sa piling ni Harry." Alam kong mahal na mahal ka ni Harry at alam ko din na hindi ka nya magagawang saktan.

Pagkatapos nun ay nawala na sya sa paningin ko. Nawala na din sya sa kabilang linya.

Akala ko nung una okay lang na masaktan para sa taong mahal mo... Gagawin mo ang lahat para mapasaya sya kahit na hindi ikaw ang dahilan.

Pero sobrang sakit pala... Sobrang sakit na para bang ayaw mo na mabuhay pa. Lalo na kung ang mismong mundo mo ang pina-ubaya mo.

Sumakay na'ko sa sasakyan at pinaandar ito.

...

Magdamag akong gising. Nakapikit ang mga mata ko pero ang diwa ko ay gising na gising. Hanggang sa makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. Napadilat ako pero hindi ako parik ako tumayo para pagbugsan ito kahit na ilang beses pa tong kumatok.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon