Chapter 37

41 5 0
                                    

Chapter 37

 

Terrence's P.O.V

Umaga na'ko naka-uwi ng bahay. Mag-uumaga pala. Basta pinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at doon ay nakatulog na'ko...

Ng muli kong imulat ang mga mata ko. Si Daddy kaagad ang nakita ko. Nakatayo sa harapan ng sasakyan ko at masama ang tingin sakin. Doon ko na lang narealize na nakaharang pala ang sasakyan ko sa gate. Napangiti ako kahit na kitang-kita sa mukha ni Daddy ang pagkainis sakin.

Lumabas ako ng sasakyan, naglakad papasok sa loob habang sinisermunan ni Daddy. Kung ano-ano ang sinasabi nya... Na halos lahat ng tao sa bahay ay nakatingin na samin. Sina Thea, Linzi, mga maid, driver at kung sino-sino pa.

Papa-akyat na'ko ng hagdan ng hawakan nya ako at pilit na hinarap sa kanya.

"Kailan ka ba magbabago?!!!" Kunot na kunot na ang noo ni Daddy sa sobrang inis sakin.

 

"Nasan si Mommy?" At nawala ang pagkakunot ng noo nya, binitiwan nya ako at umiwas ng tingin sakin. "Mas makakabuti na hindi ko malaman." Sacastic akong ngumiti. Yun kasi ang lagi nyang sinasabi sakin sa twing tinanong ko kung nasan ang Mommy.

Tinignan nya ako. "Oo." Tulad ng inaasahan. Pa'no nya nasabi na nakabuti sakin na hindi makita ang Mommy, anong karapatan nya para ilayo sakin ang Mommy.

"Kaya, anong karapatan mo ngayon para sabihin sakin kung ano ang mali sa tama..." Nagulat sya sa sinabi ko. "Kung ikaw mismo Daddy ay hindi alam yun." Hindi sya sumagot. Tinalikuran ko na sya at umakyat ng hagdan.

Pagdating sa kwarto. Umupo ako sa sahig, nakasandal sa gilid ng kama at nakayuko. Hanggang ngayon... Kahit na nineteen na'ko, malaki parin ang silid na'to para sakin.

Nadinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabak na papalapit sakin.

"Gusto ko makapag-isa." Bulong ko.

 

"Kuya." Si Linzi. "S-sorry." Tumingin ako sa kanya at nakita syang umiiyak. "Kasalanan ko kung bakit nagyayari sa'yo to nga ngayon. I'm so sorry..." Yumuko sya at nagpahid ng mga luha. "Dahil kasi sakin kung bakit ni minsan hindi mo nakita ang Mommy."

 

"Anong ibig mong sabihin?" Tumalikod sya sakin. "Linzi?!"

 

"Lagi ko din tinatanong ang Daddy kung nasan ang Mommy? Kung bakit hindi natin sya pwede makita? Kung bakit kailangan nyang lumayo? -- K-kuya alam mo ba kung ano ang lagi nyang sagot." Nadidinig ko ang paghikbi nya. "Para sakin, dahil para sakin kaya umalis ang Mommy. Para sa ikabubuti ko."

 

"Linzi?!"

 

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon