Chapter 6

94 9 0
                                    

Chapter 6

 

Jaime's P.O.V

 

Friday. 7:30 p.m.

Tulad ng napag-usapan ay kailangan ay nasa cafe and restaurant na kami ng 8:00 p.m. Kung saan madalas kami nagkikita tuwing friday.

At habang nag-aayos pa. Ay text na ng text sina Alex. Paulit-ulit lang naman ang mga text nila. 'Nasaan kana?', 'suot mo ba yung dress?', 'Jaime.' At 'dapat maganda ka!'

Tss.

Ano ba kasi ang pinaplano ng mga ito. Kinakabahan talaga ako sa kalokohan ng mga ito.

Hindi ko na sila ti-next dahil kanina pa naman ako nag-rereply sa kanila. At paulit-ulit lang naman ang mga text nila. Inilagay ko ang cellphone sa bag at bago lumabas ng kwarto ay tumingin na muna ako sa salamin. Inayos ang red dress na ipinilit sakin ng tatlo na suotin ko. Inayos ko din ang buhok ko.

Bago bumaba ng hagdan ay nakita kong bukas ang pinto sa kwarto ni Daddy. Pinuntahan ko na muna sya para mag-paalam. At tulad ng inaasahan ay umiinum nanaman sya.

Gabi-gabi na lang din kasi sya umiinum simula noong maghiwalay sila ni Mommy. ilang  taon na din simula ng iwan kami ni Mommy. Kaya ilang taon nadin na ganyan si Daddy.

Pumasok ako sa kwarto.

 

"Dad." Lapit ko sa kanya.

"Friday nanaman pala." Sabi nya at inilapag ang baso sa side table nya. Nasanay na din kasi si Daddy na every friday night ay lumalabas ako at nakikipagkita sa mga kaibigan ko.

"Uuwi din po ako agad." Tumingin sakin si Daddy.

"You look beautiful in your red dress." He smiled. Pero kitang-kita sa mga mata nya ang kalungkutan. Ang pag-iyak.

 

"Thanks Dad." Nag-kiss ako sa noo nya. "Sige po." Paalam ko. Paglabas ko ng kwarto ay sinara ko ang pinto.

Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi parin ako sanay sa ganitong sitwasyon. Mahirap parin sakin na tanggapin na nagbago na ang pamilya na meron ako. Nagbago na ang pamilyang maayos at masaya na kinalakihan ko.

Masakit parin sakin ang lahat na nangyari. Masakit parin.

...

"Ito po." Bayad ko sa taxi driver. At bumaba na'ko.

"Mabuti naman at dumating kana." Salubong sakin ni Alex.

"Bakit ngayon ka lang?" Kasunod lang nya si Nics.

"Sorry." Nakangiti kong sabi. Ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bag. Kinuha ko ang cellphone at tinignan. Number sa bahay.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon