Chapter 10

94 7 0
                                    

Chapter 10

 

Terrence's P.O.V

 

Tulad nga ng inaasahan ay hinatid ko pa si Harry sa bahay nila. Ay naku. Minsan na nga lang makapag-emote mag-isa. Panira naman to eh.

"Thea?!" Bulong ni Harry na akay-akay ko.

"Bakit sya nga yun ang bibulong mo? Diba yung Jaime nga yun ang gusto mo? Ay hindi pala... MAHAL MO!!" Sinumbatan ko sya. Na para bang maiintindihan nya ako ngayon sa sitwasyon nya.

"Thea... Thea.." Inilapag ko na muna sya sa tabi ng gate. Ang bigat nya eh. At nag doorbell.

Matagal bago may bumukas. Kasi anong oras nadin.

"Tita Helen?" Hindi ko maiwasan na magulat dahil si Tita ang nagbukas ngayon. Samantalang yung mga nakaraang araw a yung kasama nila sa bahay.

Lagot na.

Napahawak ako sa batok ko. At umiwas sa tingin ni Tita.

"Hi. Mama." Bati pa ni Harry at may kasama pang wave ng kamay.

 

"Harry." Dali-dali nyang nilapitan si Harry at inakay patayo. Tinulungan ko naman din agad si Tita na akayain si Harry papasok sa bahay nila.

Pagdating sa sala ay inilapag si Harry sa Sofa.

"Hindi na po ba sa kwarto?"

 

"Hayaan mo sya dyan." Naiinis na sabi ni Tita.

"Sorry po tita." Pabulong kong sabi.

"Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit parang napapadalas na'to ah."

 

"Tita... Tungkol po dun." Hindi ko pwede sabihin kay Tita. "Hindi ko din po alam." Tinitigan ako ni Tita na para bang alam nya na nagsisinungaling ako. Ano ba? Hindi ko nga po pwedeng sabihin.

"Thea." Napatingin kami kay Harry na nakahiga sa Sofa.

Bakit ba si Thea ang paulit-ulit nyang tinatawag?

Hanggang sa pauwi ng bahay ay iniisip ko yun. Bakit ba pangalan ni Thea at hindi pangalan ng babaeng tatakbong presidente ang lagi nyang binubulong?

[Terrence]

 

Paglabas ko ng kwarto.

 

"Diba sa school ko din ikaw mag-aaral?" Salubong sakin ng batang babae na ka-edad ko lang. Nalaman ko lang din na ampon din sila ni Mommy at Daddy. At hindi ko pala sya ka-edad dahil matanda sya sakin ng isang taon.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon