Chapter 8

96 6 0
                                    

Chapter 8

 

Terrence's P.O.V

 

Pagkatapos ng nangyari...

"Nakita mo si Harry?" Tanong ni JM ng paglabas ko ng coffee shop.

"Wala ba si Harry?" Akala ko kasama nila.

"JM." Sabay kaming napatingin kay Alex. "Wala sya."

 

"Hindi rin nya sinasagot ang tawag ko." Sabi ni Moira.

"Nasan na ba kasi yun?" Naiinis na sabi ni Iven. Tumingin silang lahat sakin.

 

"Hindi rin nya alam" sabi ni JM sa kanila.

"Kailangan ko ng umuwi." Paalam ko sa kanila.

"Sige." Sabi ni Nicole. "Pero kung may balita ka... Pedeng i-text mo kami." Abot  nya sakin ng phone nya.

 

"Sakin na lang." Binaba ni Iven ang phone ni Nicole. At yung sa kanya ang inabot. "Penge ako ng number mo." Seloso din pala. Tss.

Binigay ko naman sa kanila ang number ko at binigay din ni Iven yung sa kanya. Sumakay na'ko ng sasakyan. At habang nasa loob ay tumingin na muna ulit ako sa mga kaibigan ni Harry.

"Okay sila maging kaibigan ah." Bulong ko.

Harry. Tsk. Nasaan kaba. Pinaglalaruan ko na muna ang susi... Tinututok ko ito sa manebela.

"Nasan ka ba?" Napatigil ako ng maalala ko. Ako nga pala ang nagturo ng lugar na yun.

Pinaandar ko na ang sasakyan. At pinuntahan si Harry sa bar kung saan kami madalas.

At hindi nga ako nagkamali. Nandun nga sya. Sa may bar sya mismo at maraming baso na ang nasa harapan nya.

"Baka naman may emergency lang." Napatingin sya sakin. Ngumiti sya. "Para kang sira." Ti-nap nya ang katabing upuan. Umupo naman din ako.

"Bigyan mo nga sya." Sabi nya sa bartender.

"Ano ba Harry? Hindi ako pumunta dito para samahan ka. Kungdi para sunduin ka." Hindi nya ako sinagot. Sa halip ay ngumiti lang sya ulit at inabot sakin ang alak. Gusto ko syang sapakin. Pero alam kong hindi naman din yun makakatulong. Hininaon ko na muna ang sarili. "I-text mo na din ang mga kaibigan mo... Dahil nag-aalala na din sila sa'yo."

 

"Isa pa nga." Sabi nya sa bartender. At agad naman syang inabutan nito. Ininum nya ito.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon