Chapter 22

61 6 0
                                    

Chapter 22

 

Terrence's P.O.V

 

Bumababa ako ng hagdan. At nakita ko si Linzi na nakaupo sa may sofa.

"Si Thea." Tanong ni Daddy kay Linzi. Papasok nadin si Daddy sa opisina.

"Maaga pong umalis."

 

"Umalis?" Tumingin si Daddy sa wrist watch nya. "Saan naman pupunta si Thea ng ganitong kaaga."

 

"Kay Harry."

 

"Kay Harry?" Tumingin sakin si Daddy. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang kusina. "Terrence."

 

"Hindi ko po alam kung bakit nandun si Thea."

 

"Hindi naman yun ang aking tanong." Napatigil ako. Lumingon kay Daddy at nakatingin sya sakin.

"Ano po yun?"

 

"Sabay kayo ng graduation ni Thea? Hindi ba?" Hindi na'ko magtataka kung hindi nya alam yun. Kailan ba sya nagkaroon ng pakialam sakin.

"Ano naman?"

 

"Nag-deposit ako sa account ni Thea. Bumili kayo ng mga kakailanganin nyo para sa graduation." Inayos nito ang coat nya. "Magpapa-party din ba kayo?"

 

"Si Thea na po ang bahala dyan." At pumunta na'ko sa kusina.

Malapit na pala ang graduation namin. Parang ang bilis lang ng panahon ay nag-e-entrance exam pa ako sa Sta. Claro University. Tapos ngayon ay gragraduate na'ko.

Kumuha ako ng coffee at bumalik sa sala.

"Bakit na kina Harry si Thea?" Tumabi ako kay Linzi na nagbabasa ng magazine. At sino pa ba ang cover ng magazine edi yung idol nya na si Miko Sebastian. Kapag nakikita ko ang mukha ng artistang yun ay naaalala ko ang araw na sumakay si Jaime sa kotse nya. Nagiging palaisipan lagi sakin kung ano si JM kay Jaime.

"Ang alam ko ay may sakit si kuya Harry."

 

"May sakit?"

...

Pumunta ako sa bahay nila Harry. Pagkapark ko ng sasakyan sa tapat ng bahay nila Harry. Isang pamilyar na sasakyan ang nakapark sa harapan ng bahay nila.

At bumukas ang gate. Lumabas si Thea kasama si JM. May dumating na Taxi at sumakay si Thea. Si JM naman ay pumunta na sa sasakyan. Pero lumingon na muna sya ulit sa gate, nakita ko si Jaime na lumabas.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon