Chapter 24

58 5 0
                                    

Chapter 24

 

Terrence's P.O.V

 

Matapos ang paghaharana ko sa kanya kanina ay eto at sinusundan ko sya ngayon.  Imbis na 'Oo' kasi ang isagot nya sa tanong ko kanina ay --

 

"Mag-usap tayo."

Kaya ngayon ay sinusundan namin sya. Pero ano nga ba ang sasabihin nya sakin? Ano nga ba ang pag-uusapan namin?

"Jaime."Napatigil at lumingon sakin. Tumingin sya kina Jonathan at Kenzo na kasama kong sumusunod sa kanya. "Iwan nyo muna kami." Sabi ko. Siguro mas gusto nya na kami lang ang mag-usap.

"Okay." - Kenzo.

"Sige, Dre." Ti-nap ako ni Jonathan sa balikat at umalis na sila.

"Ano yun? Ano yung pag-uusapan natin?" Nakangiti kong sabi.

"Terrence." Pero blanko ang ekspresyon ng mukha nya. Seryoso ito. "Itigil mo na'to." Mahina nyang sabi. Pero... Nilapitan ko sya ang kaso ang kasabay nun ay ang paglayo nya. "Please. Ayoko na." Bigla ko nanamang naramdaman ang bigat. Pero sa pagkakataong ito ay sobrang bigat na nya ngayon.

 

"Jaime."

 

"Ayoko na." May nagawa ba akong mali? May nagawa ba ako na hindi nya nagustuhan?

 

"Bakit?!" Umiwas sya ng tingin sakin. "Bakit? Ayaw mo na?"

"Dahil natatakot ako."

 

"Natatakot?" Anong kinakatakutan nya. "Ano ba yun?" Pero hindi parin sya sumagot at nakatingin lang sya sakin. Ang mga mata nya ay may luha nang namumuo at unting oras na lang ay tutulo na'to. "Natatakot kaba na baka iwan kita?"

 

"Hindi yun."

 

"Eh ano?"

 

"Natatakot ako na matulad ka kay Daddy. Natatakot ako na baka ako ang mang-iwan sa'yo. Na baka masaktan ka lang"

 

"Ano?"

 

"Terrence, napatunayan mo na sakin ang lahat... Kaya please tama na."

 

"Kaya nga diba pinapatunayan ko sa'yo ang lahat dahil alam natin pareho na dito din ang bagsak nito, na tatanungin kita na maging girlfriend ko."

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon