EPILOGUE
JM's P.O.V
Isang taon na din ang lumipas.
Ang bilis ng panahon.
Nagugulat na lang kami na hindi na pala kami kasama sa category ng teenager.
Dahil TWEN-TEEN na kami.
"Bilisan mo mag-ayos." Sigaw ni Miggy.
"Oo." Sigaw ko naman. Tumingin ako sa salamin at inayos ang coat na suot ko ganun din ang bow tie. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sina Miggy at Iven na kanina pa ako hinihintay.
"Ang tagal mo talaga kumilos." Inis na sabi ni Iven.
"Kailangan eh... Para mas lalong maging pogi."
"Ganito ba kalakas ang aircon dito sa hotel... Dapat pinapatingin na yan sa staff eh." Pagpaparinig ni Iven.
"Tama, kung hindi pa maayos yan ay baka maging bagyo na dahil sa sobrang lakas ng hangin." Dugtong pa ni Miggy. Inakbayan ko lang silang dalawa.
"Grabe naman kayo. Imbis na pagtulungan nyo ko diba nga dapat ay suportahan nyo ang ko sa pagiging sikat na artista."
"Suportahan? In your face." Tanggal ni Iven sa kamay ko mula sa pagkaka-akbay ko sa kanya. Hinayaan ko lang sya at tumingin kay Miggy.
"Tigilan mo nga ako." Tanggal nya din sa kamay ko mula sa pagkaka-akbay. "Alam mo bang hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na apelyido ko ang ginagamit mo sa kalokohan mo."
"Kalokohan?! Ayaw mo ba nun? Marinig palang ang 'Sebastian' nagtitilian na ang mga babae."
"Speak for yourself." Tanging sabi nya at nagsimula na maglakad papunta sa elavator. Sumunod naman ako.
"Maiba tayo, si Harry ba hindi pupunta?" Tanong ko.
"Oo nga, sya pa naman ang best man." Sabi naman ni Iven.
"Nakauwi na ba sya?" Tanong naman ni Miggy.
"Yun na nga eh, walang balita." Sabi ko. Noong hindi kasi natuloy ang kasal nila ni Jaime. Ilang linggo lang ang lumipas ay umalis na ito ng bansa at simula nun ay wala na kaming balita tungkol sa kanya.
Ng makarating na kami sa floor kung saan gaganapin ang wedding ceremony.
BINABASA MO ANG
143: "I Want You" [completed]
Fiksi RemajaMaraming dahilan para hindi sya mahalin. Marami ang nagsasabi sakin na hindi sya dapat mahalin. Maraming beses kong iniisip na kalimutan sya. Maraming beses, maraming dahilan. Pero … Sa libo-libong dahilan pa yan… Minahal ko parin sya ng higit sa bu...