Chapter 1

244 10 2
                                    

Chapter 1

 

Terrence Sevillano's P.O.V

Pagbaba ko ng hagdan...

"Kuya!!" Napatingin ako kay Linzi na naka-upo sa may dining table. "Hindi ka kakain?" Tumingin ako sa lalaki na nakatalikod at katabi nila Thea at Linzi.

Hindi ko na sya sinagot pa at humakbang na'ko papunta sa pintuan palabas.

 

"Kuya!!" Naramdaman ko na lang na nakahawak sya sa braso ko at hinala ako papunta sa dining area.

"Linzi..."

 

"Alam mo bang ang breakfast ang pinaka-importanteng meal sa buong araw." Sabi nya habang hatak-hatak ako. "Kaya kumain ka." At pina-upo naman nya ako sa tabi nya.

"Talaga bang ayaw mo ng party for your birthday?" Tanong ni Daddy kay Thea. Napatingin ako kay Thea at ngumiti lang sya kay Daddy. "Are you sure?"

 

"Ay naku Daddy... Alam mo naman si Ate." Sabi ni Linzi.

Si Thea ay adopted child nila Mommy at ang kanyang asawa na si Rodolfo Sevillano na kinikilala kong Daddy ngayon. One year old lang ang agwat nya sakin. Ang akala kasi nila Mommy at Daddy ay hindi na sila magkaka-anak. Pero ang hindi alam ni Daddy nung piproseso na nila ang mga papeles ni Thea para maging legal parents na sila nito ay pinagbubuntis na'ko ni Mommy.

Pareho kami ng school na pinapasukan ni Thea ang Sta. Claro University. Kumukuha sya ng kursong architect at fifth year college na sya.

"Okay... Okay... But Thea if you want anything just tell me okay."

 

"Okay po."

 

"Ikaw Linzi? Ano nanaman ba ang dahilan at pinapunta ako ng teacher mo sa school nyo?"

 

"Siguro Daddy dahil may nagawa nanaman akong mali."Iba ang tono ng pananalita ni Linzi.

 

"Linzi." Tanging nasabi ni Daddy.

"Yun naman ang nasa isip nyo diba."

 

"Linzi... Tama na." Awat ni Thea.

"It's okay Thea... Tama naman sya dahil yun nga ang nasa isip ko."

 

Sya lang ang kasundo ni Daddy dito sa loob ng bahay. Mas mukha pa nga syang totoong anak keysa samin ni Linzi. Pero kung sa bagay hindi naman din nya ako anak.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon