Chapter 36

47 5 0
                                    

Chapter 36

 

Jaime's P.O.V

 

Matapos ang pag-uusap namin ni Thea ay hindi ko na alam ang gagawin. Para akong binuhusan ng tubig na may yelo. Ang kunsintidor kong puso ay nagwawala ngayon sa sobrang pagkabigla sa mga nalaman ko ngayon. Bigla na lang parang gumuho ang mundo ko.

"Mag-bestfriend sina Harry at Terrence."

 

"Sila!? Napaka-small world talaga. Pero, bakit hindi ko agad nalaman?"

 

Kaya pala, kaya pala ayaw magpakita ni Terrence sa mga kaibigan ko. Dahil alam nyang kaibigan ko si Harry. Sa simula pa lang ay lumalayo na sya.

"Dahil yun talaga ang gustong mangyari ni Terrence?"

 

"Bakit?"

 

"I'm sorry, dahil sakin nadamay kapa sa kalokohang ito..." Hindi ko na sya maintindihan. "Kahit na sabihin sakin ni Harry na okay lang sa kanya ang nangyari alam kong hindi." Halos mangingiyak-ngiyak na sabi ni Thea. "Jaime!? Ginawa lahat ni Terrence para mailayo ka nya kay Harry."

 

"Hindi kita maintindihan Thea?" Hinawakan nya ako sa kamay at humihikbi na sya.

 

"Jaime, mahal ko si Harry... Pero hindi pwede dahil mahal ka nya." Tinignan nya ako, habang umiiyak. " Kaya ginawa lahat ni Terrence na magkagusto ka sa kanya, plinano nya to, para mailayo si Harry sa'yo, para mapansin naman ako ni Harry... Jaime, ang lahat ng ito ay isang malaking kasinungalingan lang ni Terrence."

 

Ang lahat lang pala ng nararamdaman kong kasiyahan ay puro kasinungalingan lang. Grabe? May nagawa ba akong masama sa buong buhay ko o sa ibang tao. Kaya eto ngayon? Sa dinami-dami ng babae sa mundo ay sakin pa nangyari to.

"I want you... To want me, Jaime"

Napangiti na lang ako. Habang naglalakad sa kawalan. Napahawak ako sa ulo ko at hindi na napigilan na mapa-iyak.

Tulad ng sa plano nya at gusto nyang mangyari. Nagustuhan ko nga sya... Hindi lang basta nagustuhan kungdi minahal ko pa sya.

Napa-upo ako sa gilid ng kalasada, Pa-entrace sa hotel.

"Ang t'nga-t'nga ko." Bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan si Harry.

 

"Sunduin mo'ko to, please." Sabi ko agad ng sagutin nya. "Please, ilayo mo'ko dito." At hindi ko na talaga napigilan na umiyak. Ang sakit, sobrang sakit. Isa lang pala akong malaking hadlang na dapat alisin.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon