Chapter 30

69 7 3
                                    

Chapter 30

 

Terrence's P.O.V

 

Umupo ako sa tabi ni Linzi para sumabay kumain ng almusal. Sina Daddy naman at Thea ay mukang seryoso ang pinag-uusapan.

 

"Ano daw yun?" Bulong ko kay Linzi. Kumuha ako ng toasted bread at itlog.

"Tungkol sa business?"

 

"Si Thea?" Napatingin ako kay Linzi. Tumango lang ito bilang sagot sa tanong ko. Mukang inaalok na ni Daddy si Thea na magtrabaho para sa kanya. Pero ano naman ang kinalaman ng architecture sa business ni Daddy.

"Ikaw Terrence?" Napatingin ako kay Daddy. "Pumayag ako noon na hindi ka sa company mag-OJT." Ang tinutukoy ni Daddy ay ang internship ko nung first semester. Kahit anong pilit nya kasi sakin na sa company na ni Daddy ako pumasok ay hindi parin ako pumayag. Ayokong maging isyu yun na anak ako ng may-ari ng papasukan kong company para sa internship.

"Kaya nga po business management ang kinuha ko."

 

"Mabuti naman pala kung ganun. Aasahan ko yan." Kahit na first choice ko naman talaga ang BM ay kina-usap parin nya ako na kunin yun para sa business nya. Kailangan ko talaga makapasok sa company ni Daddy para malaman ko kung saan nya tinatago si Mommy.

"Parang narinig ko si kuya Harry kagabi?" Tanong ni Linzi.

"Si Harry?" Tanong din ni Thea. Lahat sila ay nakatingin sakin. Ng mapansin ko si Harry na pababa ng hagdan at nakatingin samin.

"Good Morning?!" Nahihiya nyang sabi.

"So it's true? You're really here." Sabi ni Daddy kay Harry. Tumingin sakin si Daddy, kakaibang tingin.

"Its not what you think Tito, hindi ko po kasama si Terrence kagabi." Muling tumingin si Daddy kay Harry. "Dito lang po ako pumunta."

 

"Alam ba to ni Helen, your Mom?"

 

"Tito?"

 

"Tinawagan ko na po si Tita kagabi, Daddy."  

"Bakit hindi ka muna mag-breakfast. Yaya!!" Sigaw ni Daddy. Lumabas naman si Yaya galing sa kusina. "Bigyan mo ng coffee si Harry para matanggal naman ang hangover nya." Nakangiting sabi ni Daddy at napangiti na lang din si Harry. Umupo si Harry sa katabing ipuan ni Thea.

"Uminum ka nanaman?" Bulong ni Thea kay Harry. Ngumiti lang si Harry bilang tugon.

"I think I really have to go." Tumayo na si Daddy at inayos ang gamit nya. "Sige Harry." Paalam pa nito. Nag-kiss sina Linzi at Thea sa pisngi ni Daddy at umalis na'to.

143: "I Want You" [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon