I wake up facing the white ceiling of the room. It's too dull. Lagi namang ito ang nakikita ko araw araw eversince nagka-isip ako.
I reached for my Ipad near the night lamp. I opened it and saw that I already missed seven videocalls from him. Marcus...
I pressed the video call button and it rings..
After four rings, sinagot niya. Una kong nabungaran ang mapupula niyang labi. Nakangiti ang mga iyon sa akin.
"Maxxy! Kanina pa kita tinatawagan. Heto si Mama oh! Nahilik na naman. Hahaha"
"Kuya ha? Baka magising si mama, huwag ka kayang maingay.?" Sita ko habang pinapanood si mama na natutulog. Kakatapos lang ng operasyon nito sa mata noong isang buwan at ngayon nga ay nakikita ko na ang mga mata nitong walang benda, hindi man bukas ang mata niya ay masaya na akong malaman na muli na siyang nakakakita.
Kambal kami ng kapatid ko, siya si kuya Marcus, magkamukhang magkamukha kami, maliban na lamang sa nunal niya sa itaas ng kanang kilay, hindi naman pansin iyon kung hindi pakakatitigan.
Nagtataka ba kayo kung bakit kami magkalayo nila mama?
Iyon ay dahil hindi ako kilala ng mama ko. Kase mahina ako noong ipinanganak, tapos may sakit din si mama, kaya hindi na ako pinakilala sa kanya maliban na lang kung gagaling kaagad ako. At kung gagaling pa nga ako.
"Look, magiging maayos ang lahat Maxine. Gagaling ka, gagaling si Mama natin. Kaya ikaw, lumaban ka sa sakit mo. Hahanapan kita ng gwapong manliligaw dito. Promise ko sayo, kapag gumaling ka, kahit sinong lalaki pa ang mahalin mo, susuportahan kita. Pero siyempre kakaliskisan ko ang magiging boyfriend mo, tapos babantaan ko." napahagalpak ako ng tawa dahil halos tumabingi na ang dila nito sa kakatagalog..
"Speak in english kuya, some day, tuturuan kitang magtagalog ng deretso para naman hindi napipilipit anf tounge mo. At oo naman, gagaling ako. Makikipag toung twisters pa ako sayo." nagkatawanan kami. Sanay kasi itong ingles ang salita. Mukhang mahihirapan pa itong magsalita ng tagalog na tuloy tuloy.
Hindi bale, tuturuan ko si kuya kapag nagkita na kami. Kasi gagaling pa ako, at makakasama ko pa sila ng matagal.
Hindi naman ako nagtatampo kay mama,kasi alam ko ang buong istorya ng pamilya namin. Hindi ko pa masabi kay kuya Marcus ang lahat kasi iyon ang payo sa akin ni Nah-nah, yung nagpapagamot sa akin na ninang ko....
Bumukas ang pinto at nakita ko si Nah-nah na nakangiti sa pinto. Sa likod niya ay may dalawang magagandang babae na nakatingin sa akin.
"Hello po, Nah-nah? Sila po ba yung kamag-anak ko na sinasabi ninyo?" tanong ko kay ninang. Tumango ito at hindi na umimik. Pinapasok niya ang dalawang babae at iniwang bukas ang pinto.
Unang lumapit sa akin ang ginang na mukhang mas matanda lang ng kaunti kay ninang..
Dinambaan ako nito ng yakap at umiyak sa balikat ko..
"Ang apo ko! Maxine ko.. Ako ito, lola mo ako.. Miss na miss na kita!! Paanong nangyari sa atin ito?!" humahagulhol ito.
Ang isang babae naman ay mukhang mas matanda naman ng kaunti kay mama ko, nakangiti ito sa akin sa kabila ng pag-agos ng mga luha nito.
Tinapik ko ang likod ng naiyak na lola ko. 'Lola ko' hindi ko na rin napigilang umiyak habang kayakap ang ginang.
Ganito pala ang pakiramdam ng may dalaw sa ospital at may kayakap na kapamilya. Magaan sa pakiramdam.
Akala ko, kapag naging maayos na ang lahat sa pamilya ko ay tuluyan na akong magiging masaya. Ngunit hindi parin pala dahil yung lalaking naargabyado ng kagustuhan kong mabuo ang pamilya ko, siya naman yung sirang-sira ngayon. Ewan ko ba, pero habang nakikita kong nadudurog siya, nasasaktan din ako.
Until that day, when he left the country. I got the answers to my questions. Hindi pala guilt ang nararamdaman ko para sa kanya.
I love him.
I love my mother's ex-lover.
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
General Fiction-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)