"Open the damn door! Donatello!!" bulyaw ko sa pintuan habang kinakalampag ito.
'Sorry kase hindi ko napigilan ang magfreak out.'—iyan sana ang gusto kong idugtong sa sinabi ko, pero hindi ko magawa.
Ano nga ba ang nagawa ko few minutes ago?
Ibinaba ako ni Donatello, nananatiling nakayapos ang mga braso ko sa batok niya, siya naman ay nakahawak sa magkabilang side ng bewang ko...
Nagkakatitigan kami, at kitang kita ko sa mga mata niyang galit siya...hindi ko lang alam kung bakit. Dahil sa nagpatattoo ako? Pero hindi niya alam iyon. Kung kadarating lang niya noong lumabas ako ng pinto at sinuotan ng pantalon ni Marg'reth, imposibleng alam niyang nagpatattoo ako.
Tumaas ang kaliwang kilay ko. Did he think that I did 'it' with an expert, I mean—the defloration of my flower?!
At, marunong pala siyang managalog?! Ibig sabihin, lahat ng mga pasaring ko, naiintindihan niya?! Oh my gosh!!
Ilang segundo lang ay pumasok sa isip ko ang napakawirdong paraan para lusutan ang kahihiyan na nararamdaman ko..bakit ba ang gulo gulo ng isipan ko ngayon? Naparami yata masyado ang nainom ko. Pero mamaya ko na iisipin ang kalasingan ko. I need to save my face from humiliation.
Inalis ko ang mga braso ko mula sa pagkaka-angkla sa kanyang batok. Pero promise, hindi ko ginusto ang sumunod na nangyari.. Nasampal ko siya ng bonggang bongga. Without exaggeration, namula ang bakat ng palad ko sa mukha niya.
At kitang kita ko iyon mula sa dim lights ng living room ng bahay niya. Nakita ko rin ang pag-igting ng panga niya. Pumaling kasi sa kaliwa ang mukha niya ng sampalin ko siya.
Pero, dala na rin ng kalasingan, galit-galitan parin ako.
"How dare you take me here?! How did you find Regina's house?! And where's this place anyway?! And oh, how long did you know that I like you?! So what if I like you? And wait, you understand tagalog?! Since when?! Huh?! tell me, since when?! Are you still seeing my mama?! Tell meeeee!!!!— ay! ano ba?!!" bigla na naman akong binuhat ni Donatello sa paraan na para bang isa akong sako ng bigas,or whatever na inilalagay sa sako. I got a good view of his butt though.
Pero teka, a-anong gagawin niya?!
"You. Tell. Me. What did you do inside a room with that guy. Did you—?" pabitin ngunit seryoso pa ring tanong niya. Pumasok kami sa isang kwarto. Amoy...fabric conditioner ang buong kwarto, I guess this is a guestroom, whew..
"Why would I tell you?! You're not my papa!!!" singhal ko na naman ng ibaba niya ako malapit sa kama. Dahil sa medyo lasing na nga ako ay medyo gumewang ang pagkakatayo ko.
"Did you smoke marijuana?" mahinahong tanong niya, nakapikit pa. Gusto ko sanang marinig pa ang pananagalog niya. Sasabihin niya kaya ulit ang mga sinabi niya kanina?? Gusto ko siyang halikan, sa lips. Iyang lips niyang nasa harapan ko lang, talunin ko kaya. Ang tangkad niya naman kasi...
"Are you on drugs?!" bulyaw niya sa mukha kong nakatulala sa kanya. Saka lang ako nagising nung mag-echo sa apat na sulok ng silid na iyon ang sigaw niya.
At dahil nga lutang ako ay bigla na lang umangat ang kanang tuhod ko sa harapan niya. Oh shit!!!
"Oww.. " daing niya. Oh God! ang gaga ko.
"I'm sorry.. sorry... naku po, sorry Donatello.." pinaupo ko siya sa kama nung matapos siyang magtatalon.. namimilipit na nakaupo siya sa dulo ng kama.
"Answer me first, are you on drugs?! " tanong na naman niya.
"Of course not! Naparami lang ang inom ko, pero never akong magta-try ng drugs. That's a big NO for me." parang bangag pa na paliwanag ko.
Naupo ako sa paanan niya. Effort yun, kasi nga masakit parin ng kaunti ang singit ko dahil sa tattoo ko roon.
Hinawakan ko ang mga palad ni Donatello na nakatakip sa ano—eherm, dun sa....genitalia niya. eherm eherm..
"W-what are you doing?" biglang nauutal na tanong niya sa akin.
"Ibo-blow ko para mawala ang sakit." sabi ko.
Ganun kasi ang ginawa ko sa kapatid kong si Johannes noong kasal ni ate Edna, palibhasa ay garden wedding iyon, nilanggam ang mga crumbs ng cookies ng kapatid ko at hindi niya namalayang may mga langgam na palang pumasok sa pants niya. Kaya blinow ko ang singit niya, sabi pa nga ng bata ay nawala ang sakit.
'Baka lang naman gumana sa mamang ito.' pinigilan ko ang pagbungisngis, I'm sure mukha akong pilya sa harapan niya ngayon.
Bago ko pa maibaba ang zipper ng jeans niya ay sumubsob na ako sa dibdib niya. Hinila niya ako paitaas at sa kama ay pareho kaming bumagsak.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa tila dagat na mga mata niya. Napakalakas ng tibok ng dibdib ko to the point na parang nabibingi na ako. Napapikit ako ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang bigat niya sa katawan ko.
And at last!
The kiss I anticipated three years ago actually happened. And boy! it was delicious. I wish this will never stop....
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
General Fiction-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)