Chapter Thirty-six

2.6K 35 7
                                        

I never thought that it will happen in a blur, I'm talking about my wedding.

Kaninang umaga ay bigla na lang sumulpot sa hotel suite namin ni Donatello ang mga kaibigan kong sina Gina at Lulu, kasama ang asawa at nobyo nila. Si Marcus ang sumagot ng biglaang flight nila patungo dito sa Las Vegas.

Ilang linggo matapos ang nakakakilig na proposal sa akin ni Donatello ay nagtungo kami sa Las Vegas, para dumalo sa auction night kung saan magbebenta ng antique paintings sila Donatello at ng kasosyo niyang si Edward. Naging masaya ang event na iyon at nang matapos ay nagkasiyahan kami dahil sa laki ng nalikom na pera ng dalawa.

"Let's talk about you guys, when's the date?" tanong ni Edward patungkol sa araw ng aming kasal, he's a little tipsy and is now grinning uncontrollably.

"Soon, man. Very soon. Where's your wife?" si Donatello habang nakaakbay sa akin at inaalalayan ako sa pagkain ko ng blueberry cheesecake.

"She went up already, she can't stay here coz there's a lot of smoke and she might get tempted to the smell of alcohol. You know how persistent she is..tsk tsk."

"Oh, right." Donatello shrugged and looked at me lovingly.

"Want to hit the sack, Angel?" tanong niya sa akin habang parang batang pinupunasan niya ng table napkin ang bibig ko.

"How about Ed?" bulong ko.

"He can manange, let's go up, we should call it a day. Besides, you don't wanna have dark circles anyway, right?" he pinched my chin before helping me up my seat.

Hindi na kami inusisa pa ni Edward na abala sa pag-inom at pakikipag-usap sa isang kakilala na kalalapit lang sa table namin.




"Babe."

"Huh?" ngising-ngisi na tanong ni Donatello habang nakasakay kami ng elevator. Natawa na lang ako sa kislap ng mata niya.

"What? Hey Angel... did you just call me 'babe'?" pilit nitong inihaharap ang mukha ko sa kanya sapagkat nagkandayuko ako sa hiya. Bakit nga ba tinawag ko siyang 'Babe'????

"Babe? huh? baby?" pang aalaska pa nito habang hinihimas ang bewang ko.

"Can't I call you that? You have an endearment on your own, won't you like me calling you my babe?" natatawang tanong ko habang ipinupulupot ang aking mga braso sa kanyamg bewang.

"I like it. Babe. And I'll call you my Angel babe too. Gus-to ko iyohn." sabi niya at inilapit ang mukha sa akin upang halikan ako, ngunit pinigilan ko ang kanyang labi gamit ang hintuturo ko.

"Where's that accent coming from Donatello? Are you drunk?" hindi ko mapigilang mapabungisngis ng tila nahihiyang nag-iwas siya ng mukha at inamoy ang sariling hininga.

"Oh, right. I better wash up first before I devour my midnight snack." kagat labing saad niya at iginiya ako palabas ng elevator, ni hindi ko man lang napansin na nakarating na kami sa floor namin.

I headed first to the shower room since Donatello became busy talking with his secretary on the phone. I can't help but beam on myself from the mirror. Napakasaya ko.
It's been a busy week yet parang hindi man lang ako napapagod. Punong puno ako ng energy na parang daig ko pa yung mga on drugs.

Tinanggal ko muna ang aking make up sa sink and undo my braids before I headed to the shower. I just turned on the heater's perfect temperature when I saw from the glass that Donatello came in, naked in top of that,the shower room.

He was grinning like a maniac that I didn't stop myself from giggling. He's even slow dancing while advancing on me.

I reached for the the liquid soap and pour a hell of a lot to make lather on my cleavage. Two can play seduction, I think.

He stopped dead from his sexy dance and the smile on his lips became lethal.

"Angel.You are so dead." He mouthed then run to me. I swear, I felt the chills nung nabasa ko sa kanyang labi ang mga salitang iyon.

Paramg slow-mo na napatulala ako habang ina-anticipate ang aming gagawing love-making sa shower...only, hindi natuloy.

Sa kadahilanang lasing nga siya at nawala sa isip niya na may glass partition ng shower sa ibang bahagi ng cr. Kaya ayun.

Tumama siya sa glass at yung kilig ko, naging kaba ng makita kong nagdugo ang itaas ng kanyang labi at namukol ang sentro ng kanyang noo.

Kapag pala mahal mo ang isang tao, kahit gaano katawa-tawa ang maging itsura niya ay hindi ka matatawa. Talagang halos atakihin ako sa puso sa sobrang pag-aalala para kay Donatello.

3 hours later...

"Are you sure? Ayos ka na ba talaga? Hey, babe. Look at me. Babe!" agaw ko sa atensyon ni Donatello na iwas ng iwas ng kaniyang mukha sa gawi ko.

Tumawag ako ng medic para malapatan ng first aid ang tinamong sugat at bukol ni Donatello kanina. Mahigit isang oras na rin itong walang kibo at hindi makatingin sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at inilapat iyon sa aking pisngi.

"Are you shy? Nahihiya ka ba sa akin?" pang-uusisa ko.

"F'course not.Come here." hinablot niya ako at yinakap. Pero iniwas niya parin sa aking ang mukha niya, sa kabilang kamay niya ay hawak hawak parin ang nakalapat na ice bag sa kanyang noo.

"I just can't believe my actions. tsk. I look funny, right?" tila nagmamaktol na bulong niya sa buhok ko.

Lumayo ako sa pagkakayakap niya. Ngayon ay magkaharap na kami at nagbaba siya ng tingin, naiilang. I cupped his face to stare at the damage. tsk tsk.

"W-what! Are you laughing at me?!" nagkandahaba ang nguso niyang pumutok. Hirap na hirap akong pigilan ang tawa ko na kanina pa gustong umalpas.

"No, I am not. I mean, I'm just smiling, that's different." bulong ko.

Hindi ko maiwasang mamangha sa sarili kong pagpipigil. Nakakatawa kase talaga ang nangyari, kahit pa sabihing alalang-alala ako kanina, ngayong nalapatan na siya ng paunang lunas at nagagawa nang magmaktol, hindi ko na mapigilang makaramdam ng pagkatawa sa nangyari.

"Hah!" pasinghal na ungot niya.

"I love you. Kahit mas matanda ka sakin, kahit kumulubot ma ang balat mo at maganda pa rin ako, ikaw lang ang mamahalin ko at pipiliin kong mapangasawa. Kahit pa magkabangas iyang buong mukha mo, mahal pa rin kita. Okay?" malambing na pahayag ko habang isa-isang tinititigan ang bawat parte ng kanyang mukha. Kitang kita ko rin ang dahan-dahang pagngiti (na nagmukhang ngiwi dahil nga sa namamaga ang kanyang putok na labi) nang dahil sa sinabi ko.

"I love you too, my Angel..babe." saad niya.

Ngumiti ako at tinitigan siya sa kanyang maladagat na mga mata.

"But really, why did you run into the glass?" biglang hirit ko.

"Oh shut up, Maxine!" ungot niya at nagmamadaling tumayo sa sofa at patakbong nagtungo sa bed. Hindi ko na pinigilan ang tawa ko.

I poured my heart out, laughing.

to be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon