Chapter Three

6.5K 36 0
                                        


"Yup, sis. Meet Donatello, best buddy ni mom. Special from New York City, New York." natauhan na lang ako ng nagsalita si kuya Marcus.

Muli ay sumubok akong sumulyap sa lalaking nakaupo sa tabi ni mama. Napakaseryoso ng mukha nito at tila ba malalim ang iniisip. Tumingin ako kay mama at sumakto na lumingon din siya sa akin.

"Mama, narinig ni papa ang usapan namin ni lolo, yung tungkol sa therapy mo."sabi ko sa kanya.  Mukha namang hindi nakakaintindi ng tagalog ang lalaking tila bato na nakaupo sa tabi ni mama kaya sinabi ko na...

May sinabi si lolo kay mama at mukhang seryosong bagay iyon. Malamang ay tungkol sa pinakiusap kong resbakan ako kay mama.

"Since when did your body guard became so close to you? And, who is she? Is she Marcus' twin?" nabaling ang atensyon ko dun sa boses ng Donatello kaya napayuko ako. Medyo may something sa boses niya na nakakatakot sa kabila ng ganda niyon. Parang ayaw ko siyang makita o makaharap ng deretso, mata sa mata. Maski ang makausap ito ay parang panginginigan na ako ng buto.

"We're twins Donatello. This is my lovely sister, Maxine Pascua-Boas." lumapit si kuya sa akin at inakbayan ako. Natahimik ang buong dining room pero ramdam ko pa rin ang bigat ng mga titig ng banyagang nasa tapat ng direksyong kinaroroonan ko. Pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa ilalim ng paningin niya.

Saglit lang ay inakay kami ni lolo Edgar palabas ng dining room,  at palabas ng villa. Nag-aya itong magpunta kami sa pinakamalapit na resto sa villa at doon na nga kami kumain ng tanghalian. Medyo gumaan na ang paghinga ko ng makalayo kami sa villa at malaking tulong na rin ang pang-aasar ni kuya Marcus sa pgiging tameme ko sa harap ng bisita.

Kung alam niya lang,  wala akong balak na matameme pang muli sa harap ng lalaking sagabal sa pagbuo ko ng pamilya namin nila mama.






Sa ilang araw na nakakasama namin sa villa ang Donatello na iyon ay halos hindi ako mapakali. Walang gabing hindi ako nakapulupot kay mama at kapag umaga naman ay kinukulit ko si Marcus na bantayan si mama sa bawat sandaling nalilingat ako.  Halos hindi na nakakapag-usap si mama at ang lalaki na labis kong ikinatutuwa. Selfish, oo. Pero iyon lang ang magagawa ko para magkahiwalay na sila. Kapag ilang araw pa sana at mapansin ko ngang mahal ni mama ang Donatello na iyon ay saka ko kakausapin ang lalaki para magmakaawang layuan ang mama ko.

Thankfully, nakita kong si mama na mismo amg umiwas ng minsan silang magkasama sa garden. Nagpalusot si mama na baka hinahanap ko siya at medyo mahina pa ako. Kahit na pareho naming alam na magaling na magaling na ako.

And at last, isang hapon na napilitan kaming magpunta kanila ninang ay hindi na namin nadatnan sa bahay ang lalaki. May isang parte sa loob ko na nagi-guilty.  Pero para palubagin ang loob ko ay sinasabi ko sa sarili kong para iyon sa papa ko.









Nagiging masaya ako nitong mga nakaraang araw.  Parang kabuteng pasulpot sulpot si papa. Si mama naman ay tila nawiwindang sa mga ginagawa ni papa.

Kanina nga lang ay nagkaroon kami ng Bbq party dito sa garden ng villa na pagmamay-ari ni ninang Maitha.
Halos napunonng tuksuhan nung pagkabalik namin sa garden para sunduin ang mga bisita ay nagpapakasweet ang mga magulang ko.

Sa wakas ay dumating na rin si lolo Edgar kasama ang tita ko na si tita Mariel. Mabait ito at kamukha namin nila mama at kuya Marcus. lahat naman kami ay magkakamukha,mukha lang matapang ang mukha ni tita Mariel kesa sa amin na nakuha niya kay lola Hilda.

Nang gabi ring iyon ay nagkausap-usap na sila ni mama about sa accident sa Paris na kagagawan pala ni lola. Mabait si mama at pinatawad agad si lola. Lalo akong humanga sa mama ko na may mapagmahal na puso.


















Nung ikinasal sila mama at papa sa huwes  makalipas ang ilang linggo ay kami-kami lang ang naroroon. Pero nung sa church wedding after two months ay madaming bisita at napaka-engrande ng kasalan. Walang humpay sa pagmamalaki ang lola Rica ko sa mga amiga niya tungkol sa amin ng kuya Marcus ko.

Nakilala na namin ng pormal ang angkan ng mga Boas na pinagmulan namin. Napakasaya at hindi ko akalaing malaking pamilya pala ang naghihintay sa amin.

Agad kong naging ka-close si ate Edna na pinsang buo ko mula sa kakambal ni dad na si tito Jace, ang alkade ng Lumar City.

At siyempre,hindi nawala sa eksena ang nililigawan ni kuya Marcus na si Julie, isa itong magandang dalagita na sa di inaasahang pagkakataon ay kaklase ko pa. Kaibigan ko na ito kaya halos magsawa na sa mukha ni kuya dahil sa maghapon kaming magkasama sa paaralan.

Si Jean Claud naman ay imbitado sa kasal dahil kakilala rin pala ni papa ang ama nitong si Dr. Tuazon. Naroon din ang nakatatandang kapatid nito na may asawang kaibigan naman ni papa mula sa kolehiyo. Kamuntik nang takutin ni papa si JC kung hindi lang namukhaan ang mga kasama nito.  Akala ni papa ay pinopormahan ako ni JC kahit na matalik na magkaibigan lang kami sa kabila ng pagiging mas matanda nito sa akin ng apat na taon.

Isa pa ay alam kong may iniibig na ang lalaking iyon. Madalas niyang ikwento sa akin ang babaeng minamahal niya mula pa noong bata pa siya. Ideal girl niya kasi yung katulad ng ate niyang maganda, open-minded, pero matinong babae. I admire him for that. Mabuti na lang at wala rin akong gusto sa kanya. Kase kung meron,  baka nagseselos na ako kapag nababanggit niya iyon.



Sa lahat ng mga nangyayari sa paligod ko, halos malimot ko na yung nakaraan. Yung ilang taong pabalik balik ako sa ospital at yung pangungulila sa sarili kong pamilya. May mahihiling pa ba ako?  Parang wala na eh.


A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon