Chapter Seven

4.1K 33 0
                                        

Naghihikab ako habang papasok sa locker room. Three consecutive nights na akong naglilinis ng suka mula sa cottage 47, hinihintay ko lang yung tawag ni Manager George na bakla para pang-apat na gabi na ngayon.

Wala namang kaso sa akin iyon dahil trabaho ko namang maglinis. Pero nakakapagod rin palang maging panggabi. Sana pala hindi parin ako eighteen years old para three hours lang parin ang pasok ko sa resort. Hahaha

"Maxine, kakatawag lang ni sir George sa opisina. Nasa bar nanaman daw yung si Thor. Tumulong ka na daw maghatid sa cottage kasi kulang sa tao. Nagsi-uwian yung mga tauhan doon sa vip dahil bakasyon nila. Lakad na para hindi ka bulyawan ng dragonang bakla. Haha" mahabang sabi ni ate Sandie, isa sa mga ka-close kong personel ng resort.

"Ano pa nga ba? Lintek na Thor naman iyan. Haha. Ako lang talaga lagi ang tagalinis ng suka niyang kulang nalang isama pa niya ang kanyang bituka. Haha" nakatawang saad ko.

'Thor' ang bansag namin kay guest 47. Balbas sarado kasi ito at malaki ang pangangatawan. Malagom ang boses at sabi rin ng mga pang-umaga ay nag-uumapaw talaga sa sex appeal. Sayang at gabi ko lang ito nakikita at tuwina ay nakangudngod pa sa kama.








Kasama ko si Arnel na janitor ng bar para akayin ang lasing na foreigner. Muntik ko ng hindi makilala ito dahil ahit na ang kanyang balbas at bigote, pero madilim ang bar kaya naman hindi ko mabistahan ang mukha nito.

Pagkarating sa labas ng cottage ay pinagbuksan ko ng pinto at ilaw si Arnel at siya na ang nagpasok kay Thor sa kwarto. Umalis din kaagad si Arnel dahil sa bar na inabot ang suka ni Thor. Ibig sabihin ay wala akong lilinisin sa gabing ito.

Pinasok ko na ang kwarto nito at hinubad ang kanyang sapatos. Matapos iyon ay naglakad ako para buksan ang lampshade sa tabi ng kama. At noon ko lang unang nakita ang mukha ni Thor.

Matangos ang ilong, foreigner na foreigner talaga..

May mahahabang pilik mata at may black hair. Or is it dark brown? Hmm.

At yung lips niya, mas manipis at mas mapula pa iyon kesa sa akin. In short, ang gwapo ni Thor!!!

At hindi na niya kamukha si Thor, dahil kamukha niya na si Jamie Dordan ngayong nakapag-ahit na siya ng balbas. Si Jamie Dordan yung gumanap na Christian Grey sa movie na Fifty Shades of Grey.

Pinagmasdan ko pa ang lalaki. Napakagwapo nito-pamilyar ang mukha nito!

Lumapit pa ako para kumpirmahin ang hinala ko. Siya nga!! Siya si-






"Donatello." bulong ko.

Kumabog ang puso ko ng magmulat ang mga mata nito. Nagkatitigan kaming dalawa. Feeling ko ay malulunod ako sa mga mata niyang kakulay ng dagat. Deep set of dark blue eyes..

Umayos ako ng tayo mula sa pagkakatuwad ko paharap sa kanya. Nakakahiya!!!

"Sorr-" hihingi sana ako ng tawag ng biglang.....





Hinila niya ako at niyakap!!!

"Hmm, Priscilla. I missed you so damn much!" bulong niya sa tenga ko.

Napasubson ako sa ibabaw ng kanyang katawan at nakapulupot na ang makikisig niyang braso sa katawan ko..

At yung ano...... yung ano niya-nararamdaman ko. Hindi ako inutil para hindi malaman kung ano yung matigas na nakaumbok sa pusod ko na nadadaganan ko.


Susubukan ko pa lang kunawala ay natitilihang napatitig ako sa nakangisi niyang mga labi, at sunod ay nakipagtitigan sa mga mapupungay niyang mga mata.


Naramdaman ko nalang ang pangahas niyang mga kamay na humihimas sa bewang ko pababa sa pang-upo ko. 'oh my gosh!!!!! Anong gagawin ko!!!??!?!? '

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon