Chapter Eleven

3.5K 21 0
                                        

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa mga binabasa ko. Bakit hindi niya binabasa ang mga ito? Binuklat kong muli ang isa sa mga sulat na pinaka-iniyakan ko kanina..






   #123 Hanos St.         
Brgy. Mabato, Tondo
Manila, Philippines  

Donatello,

     Anak, alam kong hindi mo maiintindihan ang sulat na ito. Pero sana ay pag-aksayahan mo ng panahon na alamin ang nilalaman ng liham kong ito. Matagal na akong nangungulila sa iyo.

     Hindi kita masisisi kung ikaw ay mayroong tanim na galit sa akin. Kasalanan ko na hindi kita isinama sa pag-uwi ko. Ang tanging nasa isip ko noon ay ang mapabuti ka sa piling ng ama mo. Kailan ko lang nalaman na naulila ka sa mga kinikilala mong mga magulang. Hindi ko alam kung kailan pumanaw ang ama mo at ang kanyang legal na asawa dahil sa hindi na kami nagkaroon pa ng komunikasyon mula nung umalis ako.

     Buong buhay ko ay ikaw lang ang naging inspirasyon ko. Sana ay patuloy ka pang umunlad. Hangad ko ang kaligayahan mo anak. Kung dumating man ang araw na kailanganin mo ako bilang ina mo, handa akong harapin ka. Sana, sa pagkakataong iyon ay hindi na tayo muli pang magkalayo.

    Mahal na mahal kita anak ko.

Nagmamahal,       
Rosetta Villamor   






Kung bakit kasi ang gulo gulo ng buhay at sitwasyon niya. Naulila siya sa kanyang poster parents, namatay ang kanyang tunay na ama at kinikilalang ina, tapos heto at buhay pala ang biological mom niya at isang pinay pa. Ibig sabihin ay FilAm siya... hindi nga lang halata.

At heto lang siya sa Pinas, pinagmumukmukan ang mama ko na hindi naman siya pinili. Hindi sa nanghihinayang ako sa love story nila... Sadyang nakakaawa lang talaga. At hindi ko maiwasang ma-guilty kase ako yung todo effort noon na paghiwalayin sila para magkabalikan ang parents ko.

Marami pang mga sobre at nawalan na ako ng interes sa mga iyon. Tanging itong mga naka-address lang sa Pinas ang binuksan ko. Kaya ko lang naman kinuha amg mga ito ay dahil sa takot na baka may komunikasyon pa sila ng mama ko. Malay ko bang sulat ng ina niya ang mga mababasa ko. Ngayon ay namomroblema tuloy ako kung paano ipapaintindi sa kanya itong mga ito in a way na hindi ako mapapasama dahil sa pangingi-alam ko sa mga pinapatapon niya.












Lumipas ang maghapon at magdamag at heto na nga ako at nakasakay sa jeep patungo sa resort. Dala dala ko ang nirereview kong notes dahil ilang linggo nalang ay pasukan na naman. Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo kaya kailangan kong magsipag sa pag-aaral. Hindi naman makatwiran ang pagiging independent ko kung babagsak lang ako o papasang awa sa kursong kinukuha ko.

Pagkarating ko sa resort ay mukhang sumasang-ayon pa ang panahon sa akin. Makulimlim at paniguradong wala masyadong magiging costumers maliban sa mga nakacheck-in na. Makakapag-aral ako habamg walang ginagawa.

Isa pang ipinagbubunyi ko ay yung balitang naka-one month leave si sir George. Talagang ang bait ni Lord. At heto na ang magaling,  ang mga bestfriend kong nagpa-cute lang yata sa ospital. Mga parang timang na malalawak ang ngiti habang papalapit sa akin.

"Bes!! Wala si bakla!! Ang sarap mabuhay. Parang hindi ako inataki ng pagiging acidic ko! Haha" biro ni Lulu.

"Ikaw talaga. Tigil tigilan mo na ang pagkain ng mga bawal sayo. Kita mo at nagkakasakit ka. Pinag-aalala mo kami nitong si Gina." sermon ko sa kanya na sinahulan pa ni Gina.

Sa huli ay tila nagdiwang kaming tatlo dahil sa pagkawala ni sir George.

"Lulu, magpahinga ka muna. Ako na ang magse-serve niyan." agaw ko sa order na food ni Donatello.

"Hay, thanks Maxxy. Gutom na ako. Mauna na ako ha? Balikan kita mamaya. Kain muna ako." tinanguan ko lang siya bago damputin ang tray ng pagkain.

Naka-duty kami ni Lulu sa resto, si Gina kasi ay sa game hall naka-assign. Maraming tao roon ngayon dahil may bagyo at walang siraulong maliligo sa dagat. Kung meron man ay paniguradong magpapakamatay ang taong iyon.

Nang makalapit ako sa mesa ay tiningala ako ni Donatello. Pinakatitigan ko ang mukha niya.. Wala akong makitang trace ng lahing pinoy sa kanya. Mukha talaga siyang foreigner.

"It's improper to stare, Angel." natauhan ako sa sinabi niya. Iniwas ko ang aking mga mata sa mukha niya at tumungo.

"Sorry sir." bulong ko pero sigurado namang narinig niya dahil narinig ko ang mahina at malalim niyang tawa.

"You look familiar but I can't figure it out. Are you a part time model? Or maybe you're a blogger in social media? Well anyway, thank you for your service Angel. You helped me a lot." daldal niya habang inaayos ko ang mga pagkaing in-order niya. 

Tumungo lang ako at nahihiyang iniwan siya sa kanyang table. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa boses niya. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga. Ngayon lang siya nagsalita ng napakahaba at ngayon lang tumatak sa isip ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha at ang lalim ng kanyang boses.

Nakalimutan ko na ng tuluyan ang rason kung bakit sana ako lalapit sa kanya. Mas kinain ako ng kaba at hiya mula sa kanya. Napakalakas ng pintig ng puso ko na para bang sumali at nanguna ako sa isang fun run. At ang mukha ko..ramdam na ramdam ko ang panginginit ng magkabilang pisngi ko.

Nagkaka-crush ba ako sa ex ng mama ko? Iyan ang tanong ng isipan ko sa puso ko.

'Bakit ba kasi pa-Angel Angel pa siya sa akin? At bakit ang gwapo gwapo niya pa rin kahit broken hearted pa rin siya??! '

Kumuha ako ng isang glass at nilagyan iyon ng tubig mula sa water dispenser. Nangangalahati na ang iniinom kong tubig ng maramdman ko ang isang palad sa balikat ko. Hindi kami dikit na dikit sa isa't isa pero malapit parin ang lalaki sa akin. Amoy na amoy ko ang pabango niya.

Muli ay nagwala ang puso ko at naibuga ko sa kanya ang tubig na iniinom ko. Paano ay ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Kapag may tumulak sa likod ng isa sa amin ay magkakahalikan na kami.

'Be still,  you crazy heart! '

Sita ko sa puso kong namumuro na sa akin. Pinapatibok ang puso  ko tuwing malapit si Donatello sa akin.

    










[EmsTorano: check niyo po yung wall ko,  sa conversations ahihihi...

May eksena ang friendship ni Maxxy. ]

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon