Chapter Thirteen

3K 25 0
                                        

Bukod sa beach, simpleng mga parke at sa naglalakihan at naggagandhang paaralan dito sa Irosa Balmosa ay wala na kaming ibang pinuntahan.. Alas tres pa lamang ng hapon ay nakalibot na kami. Siguro sa susunod, kung masusundan man ang lakad na ito, ay sa karatig bayan ko naman ipapasyal si Donatello.

"What are you thinking?" agaw ni Donatello sa isip kong naglalayag.

"Nothing, I'm just staring at my school." nakangiting saad ko at tinapunan siya ng tingin.

Kasalukuyan kaming nasa favorite karinderya namin nila Lulu at Gina dito sa mismong harap ng University. Inaya ko siya para magmeryenda, nakatutuwang nagugustuhan niya ang mga filipino food.

"Seriously? " tanong niya bago pa man sumubo ng isang kutsarang puno ng halo-halo.

"Well, we'll be having our acquaintance ball next friday. I'm worried. It will be my first time to attend a ball. When I was in highschool, I never got a chance to attend our js prom. I got sick, a flu. And here, I've been busy with work and my study, only this year, my mama already sent a package, a gown I needed to wear to this upcoming ball. I feel nervous. It's silly,  but true." pagkukwento ko sa kanya, tahimik naman siyang nakikinig sa akin.

"I can accompany you. I'll be your date for the night, if you won't mind, that is... " he looked shy.. Hindi ko na napigilang suklian siya ng ngising pilya.

"You'll do that? " tanong ko pa..
Mukhang nahiya lalo si Donatello.

"Well,  if that will help you calm your nerves.. Maybe. " he shrugged.

"Are you sure? " paninigurado ko.

"If you need a man in a suit, I'll be your man." nakangiting saad niya.

Kumabog ang dibdib ko..  My man.......









Lumipas ang isang buong linggo at heto na nga't inaayusan ako ng mga baklang make-up artist na naging kaibigan ko dito sa Irosa Balmosa. 

Nung ihatid kong pabalik sa resort si Donatello last friday ay nilinaw niya na talagang gusto niyang maging date ko sa ball. Isa pa ay gusto raw niyang makita ang loob ng university namin.

Nakakatawa lang na hanggang sa pag duty ko noong linggo ay muli niya nanamang nilinaw na susunod siya sa university.

Nung isang araw nga lang ay binigay ko sa kanya ang gate pass para sa mga outsiders na dadalo sa acquaintance ball ngayong gabi. Naaalala ko pa ang ngiting ngiting si Donatello..

Pero ngayon ay nag-aalala ako. Kinahapunan matapos kong magbigay ng gate pass ay nagpaalam itong may aasikasuhin sa Manila. Ngunit hanggang kanina ay wala pa ito sa resort. Kung paano ko nalaman ay ipinagtanong ko kay besty Josh kung nakabalik na ng resort si Donatello. Ang sabi nito ay hindi, ngunit hindi pa rin naman nagche-check out.

"Ayan,  dyosang dyosa ka na naman gurl! " puri ni Mads... Yung matabang bakla na friend ko.

"Huwag ka munang malikot Maxxy!  Hindi pa ayos ang buhok mo!  Baka gumuho, sasabunutan kita.. Sige.?!" si Lucy,  yung babaeng babaeng bakla.. Mag jowa yang dalawang iyan, hindi lang showy. Hahaha

"Tapos na, pasalamat ka at friend kita.. Kung hindi, kanina ko pa sinira yang mukha mo. Kainis.. Maganda na,babae pa. Ang unfair, charot. Haha" sabi na naman ni Lucy.

Nakisabay na ako sa kanilang kotse dahil madaraanan naman nila ang university pauwi sa kanilang apartment. Malapit lang pero magandang makisabay na sa kanila since medyo revealing yung dress ko. Ewan ko ba kay mama... Baka nakalimutan niyang anak niya ang magsusuot ng dress na ito at hindi isang celebrity or model..
Matagal na rin kasing hindi nagawa ng gowns or dresses si mama simula ng ipinanganak ang little brother namin na si Johannes.

Pagkababang pagkababa ko ng kotse ng mga bakla ay nagring ang phone ko. Inilabas ko iyon mula sa aking pouch na pula,terno ng gown kong pula. Halos pula ang kasuotan ko, maliban na lamang sa suot kong bracelet na katerno ng kanila Lulu at Gina. Gawa iyon sa brown leather na may mga pangalan namin.

"Hello? Donatello?  Where have you been? " tanong ko matapos sagutin ang kaniyang tawag.

"I'm inside your campus now, you're late, where are you? " nagulat ako. Paanong nakabalik na pala siya ay hindi konman lang alam. Dito ba siya dumiretso mula Manila??

"I'm here.. Just got here. Wait for me there.. I'm entering the gate now. " sabi ko at ibinaba na ang  tawag.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng sobra. Akala ko talaga ay hindi na siya makakadalo dahil mula ng umalis siya ay hindi na siya nagparamdam.






Pagpasok ko palang ng lobby ng hall ay dagsa na ang mga estudyateng mga nakaporma para sa gabinh iyon. Nakangiting sinalubong ako nila Gina at Lulu, mga naka cocktail dress na lagpas tuhod ang mga ito, kulay pink ang kay Gina at royal blue ang kay Lulu.

"Sosyal ng gown mo bes, ang haba pero luwa ang harap. Hahaha" biro ni Gina kaya naman napatakip ako sa aking dibdib..

" ....pero bagay naman. Diba Lulu?" pahabol ni Gina, mukhang nahalata niyang nahihiya na ako..

"Oo, ang ganda mo kaya bes.. Haha.. Nakakainggit nga yang mga harap niyo ni Gina.. Nagmamalaki. Yung akin, slight lang. Hahaha" nagkatawanan kami.

Habang papasok sa hall ay inililibot ko ang  aking paningin..halos lahat ay mga nakapolo, or suit, pero may nag-iisang lalaki lang ang nakapukaw ng atensyon ko..

Siya yung lalaking titig na titig sa akin, bagama't nakakunot ang noo nito ay hindi maitatanggi ang angking kakisigan nito sa kabila ng kalayuan ng itsura nito sa edad naming mga estudyante.

Habang magkatitigan ay naglakad ako papalapit sa kanya. Nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo pero nananatiling seryoso ang kanyang mukha.

"Good evening. " bati ko ng makalapit ako sa kanya. Bumeso rin ako kahit na nakakailang.

"Good evening. So you really are Maxine." saad niya.

Nagtatakang hinarap ko siya.

"Yes. I am Maxine, Maxine Boas." I confirmed.

"I can see that. I got my eyes fixed in Manila. I can see now that you're Maxine Pascua-Boas. Right?"




'Eyes fixed!? And oh! –Pascua!  Right!! He knows my grandpa Edgar. Oh my! "

Seryosong seryosong inalok niya sa akin ang kaniyang kanang kamay na tinanggap ko naman.
Inalalayan niya akong maupo sa table kung saan nahihiyang nagsi-alisan sina Gina at Lulu.


"Will you explain to me or dance with me first? I kinda like the song. " he asked without looking at me..

"Let's dance. " sagot ko. Bahala na... Bahala na talaga.

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon