"Ketchup, please?" inabot sa akin ni Donatello ang tomato ketchup sa kaliwa namin.
Iisang plato lang ang kinakainan namin. Ang sweet 'di ba?
Hindi ako papayag na iiwasan niya na lang lagi ang mga tanong ko. Lahat ng gusto kong malaman ay aalamin ko.
Sinubuan ko siya ng hiniwa kong sausage. Isinawasaw ko iyon sa ketchup bago isubo sa kanya. Nakangiting ngumanga naman ang malaking lalaking ito.
Habang nanguya ay inabot niya ang mga binti ko at ipinatong iyon sa ibabaw ng hita niya. Para lang kaming naha-honeymoon.
Nagkangitian kami.
Kumuha ako ng lettuce sa salad bowl at ibinuyangyang iyon sa plate namin. Inilagay ko ang maliliit na piraso ng sausage, hotdog at eggyolk mula sa sunny side-up na itlog. Matapos ay isinara ko yung lettuce.
"Mayonnaise, please?" sabi ko.
Nailing na inabot niya gamit ang kaliwang kamay ang dressing na para sa salad. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Mayonnaise.please." maliit na boses na bigkas ko.
"Tsk." ibinaba niya ang mga binti ko at tumayo papunta sa fridge. Inilabas niya roon ang isang maliit na jar na lagayan ng mayo. Nakakatuwa ang mukha niya. Nakakunot ang noo habang nagkakandahaba ang mapupulang nguso. Natawa na tuloy ako habang nakatitig sa mukha niya.
"You're not yet pregnant, Maxine. May I remind you?" sarkastikong sabat niya sa pagtawa ko habang binubuksan ang jar. Inilagay niya iyon sa gilid ng plate namin.
"Yeah, of course not. Iniwan mo ako kagabi eh." paninisi ko.
Bigla akong binuhat ni Donatello, kinalong niya ako bago naupong muli sa silya ko.
"This is more comfortable. Let's eat. We're going to talk after this." sabi niya.
Isinawsaw ko sa mayonnaise ang lettuce wrap na ginawa ko at isinubo iyon ng buo. Hindi naman kalakihan kaya kumasya sa bibig ko.
Iniisip ko kung kanino ako manghihingi ng advise sa mga kaibigan ko. Kay Gina, Marg'reth or Lulu? Hindi pwede kay kuya Marcu—Marcus nga lang pala.. Magagalit lang iyon. Hindi ko na kasi sinasagot ang mga tawag niya lately, hindi na kasi ako naghahanap ng taong hindi nag-eexist. Baka isumbong niya lang ako kanila papa kapag nagkataon.
"You have some mayonnaise on your lips. Here," sabi ni Donatello at iniharap ng kaunti ang mukha ko sa kanya. "let me wipe it."
At gosh!!! Dinilaan niya ang gilid ng labi ko. Napanganga ako sa ginawa niya.
"Don't you want to talk? Let's finish this. Go ahead and eat. You'll be very hungry later. Trust me." nakinang ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Muli ay itinuloy ko ang pagkain naming dalawa. Sinusubuan ko rin siya ngunit nanahimik na ako. Baka kase kapag nagsalita pa ako ay halikan niya na ako... Hindi na talaga kami makakapag-usap nun.
He washed the dishes while I wait for him in the living room. I am wondering if he and my mom once been in here...making love. Or whatever, psh. 'Past is past, Maxine.'
"Come here, sit beside me." Donatello sat on the loveseat near the window. I joined him.
"Ahmm, let's clear things up. Okay?" pangunguna ko. Inabot niya ang katawan ko at hinila ako palapit sa kanya.
"Okay, ask me anything you want." sabi niya at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko.
"You know tagalog." sabi ko. Hindi na tanong iyan dahil narinig ko naman na ng ilang beses.
"Yeah, I studied tagalog for the past three years. I met my mother, thanks to you. I've been in the Philippines for three years. But not totally, I came here to check on my business and galleries, to check on you too..."
"You know I was here?!" gulat na tanong ko.
"Of course." sabi niya.
"Eh?!" hindi ako makapaniwala.
"May mga cctvs ang bahay ko, Maxine. And I can access it through my phone. So yeah, the first day till recently, nakikita kita."
Nahihiya ako. Ang arte ko pa naman kagabi, kunwari hindi ko alam ang bahay niya. Nagtakip ako ng mukha.
"Nakakahiya.." sabi ko.
"It's not. I'm checking on you in that way. Although nakakainis lang, kung sinu-sino ang kinakausap mo. Paano kung may masamang tao kang nakaharap? Malayo ako para tulungan ka. That's why I hired men to watch over you. Nagkataon lang na may emergency sa gallery kahapon kaya hindi ka nasundan sa loob ng party ng kaibigan mo." wow, is he nuts?
"Obsessed ka ba sa akin, Donatello?" naibulalas ko. Natawa siya ng kaunti at hinawi ang buhok ko.
"Not as obsessed as someone who ruined everything last night because of a tattoo. Right?" pang-aalaska niya sa akin.
Nag-init ang mukha ko sa sumbat niya. Inis na hinarap ko siya.
"Edi huwag kang magpatattoo! Art kaya ito. Art! " pagmamaktol ko.
"D stands for Donatello, Mx stands for Maxine. Aren't you the sweetest?" hinalikan niya ang gilid ng labi ko habang ibinubulong iyon.
"You know I am sweet, literally." sabi ko at inilayo ang mukha ko sa kanya.
"You are." sabi niya at nginitian ako ng pilyo.
"Let's talk about my mama. Do you still love her?" tanong ko.
Inismiran ko siya dahil natatakot akong makita ang mga mata niya. Baka kasi makita kong nasasaktan pa rin siya.
"I love......you." sabi niya na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanya.
"What?!" tanong ko.
"I said, I love you. You Maxine, you. I love you. For three years, I am aching for you. When I met you, I feel free, not too much, but little by little, your memories healed my broken heart. Your laugh, your simple jokes, your rattling, your looks, the way you blush. And oh, our very first date, where you left me in that restaurant. I saw you. You look hurt by me. I was about to confess to you that night. I'm giving you back your mom's last photo with me, but you left..." sinabi niya iyon ng nakatingin sa mga mata ko. Nang matapos ay pinaglaruan niya ang mga daliri ko.
"Donatello, I—uhh.."
"Look, I'm not tryin'to seduce you or anything. Believe me, I don't see you as a replacement for your mom. I love you. I won't be checkin' on you, hired bodyguards for you, or think of you if I don't. I'm older, much much older than you, I know. And I'm aware that you deserve a man that's so much better than I am. But, I want you for myself. And that's because I love you. Not as your mom's replica, 'cause believe me, you don't look like her at all, and also, not as a daughter.. No father would have his heart beat as crazy as my heart does for you, Angel." inilapat niya ang kamay ko sa tapat ng dibdib niya. And there, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya.
Naiiyak na hinawakan ko ang pisngi niya.
"Don't you ever let go of me, Donatello. I'll die if I lose you. I love you too much." hinalikan ko ang mga labi niya.
'Mahal na mahal kita.'
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
Ficción General-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)