'M-mm-manyak!!!!!!'
Naalimpungatan ako sa isiping iyon! Hindi ko malimutan yung ginawa ng Donatello na iyon kagabi!
Mula kaninang madaling araw, pagkauwi ko ay lutang na lutang ako. Matapos niya akong ikulong sa mga braso niya ay pinaghihipo niya ang katawan ko at bumulong bulong ng mga sweet nothings sa tenga ko.
"Uhh... " shucks!
Bakit ba kinikilig ako sa mga pinagsasa-sabi niya nung time na yun? eh para sa mama ko yung mga pinagsasa-sabi niya!?
Pero kase, ang sweet lang....at heart breaking din pala at the same time.
Ngayong gabi ay hindi ako magdyu-duty. Pinabago ko na ang schedule ko kanina bago ako umuwi. Good thing na naroon ang anak ni Mrs. Esteban na si besty Josh. Binak-apan ako sa request ko. Ayoko ng maging pang-gabi. Kailangan kong iwasan ang lalaking iyon. Hindi komo lasing siya at bitter sa mama ko ay ayos lang na gahasain niya ako.
'Gahasa talaga, Maxxy!?' pamimilosopo ng isipan ko.
'Bakit ba ako kinilig kagabi? Never ko naman siyang nagustuhan para sa mama ko.'
Parang tanga akong napahiga sa kama at tumulala sa naglalampungang butiki sa kisame ng bedroom ko.
'Uhh.... bakit magkapatong yang mga butiking iyan!! '
Nahihintatakutan akong bumangon sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi ko sasayangin ang oras ko ngayong day-off ko. Uuwi ako sa amin. Kailangan kong makita at makapiling ang pamilya ko.
Kinakabahan ako. Ewan ko ba.
Naiisip ko palang na nasa Pinas ang ex ng mama ko, feeling ko ay mawawasak na ang pamilya ko. Praning na kung praning. Malay ko ba sa takbo ng isip ng mga kano.
'Ang mama ko ay para sa papa ko lang. Tapos ang usapan.'
Napabuntong hininga na lang ako bago buksan ang gripo sa banyo at mapamura dahil sa lamig ng tubig na ibinuhos ko sa ulo ko. Ang 'gaga' ko lang. Tss.
"Maxine, bilisan mo at mahuhuli na tayo... Huwag ka nang mag make-up. Tayo-tayo lang naman. Bilisan mo at bumaba ka na... " si mama iyan.
Papunta kami sa mansion ni lola Rica, dadalaw lang. Magkakaroon kasi ng maliit na salu-salo ang pamilya namin.
Sa pagkakaalam ko ay ngayon ang balik ng great grandfather namin ni kuya Marcus sa father's side mula sa pagpapagamot sa Manila, siya ang aming lolo Hunyo Diaz na ama ng lola rica namin. Nakakamiss ding makausap si lolo, napakabait kasi nito sa aming magpipinsan.
Habang nasa kotse ay muling tumakbo sa isipan ko at muli ring naramdaman ng katawan ko ang bawat haplos ng lalaking iyon sa akin. Kailangan ko talagang magliwaliw ngayon, upang malimot ang mga nangyari. Kailangang hindi na kami muli pang magharap. Malakas ang kutob ko na malaking gulo lang ang dala niya sa pamilya ko....hindi naman siguro sa akin mismo, hindi ba??
Pagkapasok palang ng kotse ni Marcus na siya ring sinakyan konay natanaw ko na kaagad ang nag-iisang pinsan naming babae bukod sa akin na si ate Edna. Kalong kalonh nito ang pinsan naming si Eddie na anak ni tita Melody. Kaka-tatlong taon pa lamang nito. Mas matanda ng ilang buwan sa bunso kong kapatid na si Johannes na kalong kalong ni papa matapos umibis mula sa sasakyang iminaneho ni mama.
"Maxine! Kamusta? " bunfad sa akin ng nakangiting si ate Edna.
"Ayos naman ate. Nabalitaan ko yung nangyari ate, ang sweet ng boyfriend mo. Haha. Kelan ang kasal? " tanong ko patungkol sa fiance na doktor ni ate Edna.
"Engaged pa lang kami. After graduation ko kami magpapakasal. Tatlong taon pa ang hihintayin namin." tatawa tawang sagot nito.
Inaya na kami papasok sa loob ng bahay. Hinihiling ko lang na sana ay marami pa akong masagap na impormasyon para tuluyan ko ng maibaon sa limot ang unang karanasan kong maging intimate sa ibang lalaking si Donatello. Sana lang....
Sana nga......
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
General Fiction-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)