He's everywhere.......
Napaparanoid lang siguro ako. Heto nga at naglalakad lang ako palabas sa lobby ng hotel at makakasalubong ko na naman si Donatello. Nagkasalubong ang aming mga paningin at ginawaran niya ako ng simpleng ngiti. Tinanguan ko na lamang at nagmamadaling naglakad patungo sa vip cottages.
Ngayong hapon ay magche-check out yung nag-honeymoon dito sa resort. Ako ang ini-request nila na maghatid sa kanila palabas. Medyo kasundo ko kasi ang ugali ng bride, inis iyon sa ugali ni sir George kaya ako lagi ang iniri-request. Ang labas ay mag-friendship daw kami. May mga costumers talagang pihikan.
Inabot kami ng ibang kasamahan ko ng alas siyete y media sa paglilinis dahil may kalakihan ang cottage na nilisan ng bagong kasal. Papalabas na ako ng room ng maulinigan ko ang pag-uusap nina kuya Junjun na katrabaho ko at si Sir George.
"Oh, heto na pala si madam eh. Kanina pa kita hinahanap. Kailangan mong mag 24 hours. Nanakit ang tiyan ng Lulu na kaibigan mo. Palitan mo. Tss. Mga maaarte, bilis! " binigyan muna ako nito ng nakakainis na 360 degrees na irap bago ako talikuran.
Nagmamadali akong inilabas ang aking cellphone para tawagan si Lulu. Si Gina ang sumagot ng kanyang cellphone.
"Bes, nasa ospital kami. Alam mo namang kahapon pa nananakit ang tiyan nitong babaeng ito. Ikaw na muna ang mag duty,please? Wala siyang makakasama dito eh. Okay lang ba? " natatarantang paliwanag ni Gina.
"Okay lang bes, kaya ko naman. Bantayan mo yang si Lulu ha? Pasaway iyan, baka umuwi kaagad sa kanila. Kapag kulang ang dala mo ay sabihin mo sa akin. Ha? " sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa opisina.
Doon nga ay kakwentuhan na ni sir George si sir Josh. Nilagpasan ko sila at nagsulat ng report sa log book.
"Salamat bes. May dala naman akong pera, kapag nagkulang, magsasabi ako sayo. Ingat ka jan. Bye muna." at ibinaba ko na rin ang tawag matapos magpaalam.
"Max, ipinapatawag ka ni Thor. May ipapalinis daw sa kwarto niya. " sabi ni Rita, yung pinaka-ate namin dito sa resort.
"Okay. Punta na ako roon. "sabi ko na lang kahit sa totoo lang ay kumabog ng husto ang puso ko. Lagi na lang siya, puro nalang siya ang nakikita ko.tsk tsk tsk.
Kumatok lang ako ng dalawang beses bago niya ako pinagbuksan ng pinto ng cottage. Buong akala ko ay maglilinis na naman ako ng suka ng lalaking ito, pero hindi.
Matino ang itsura nito tulad nitong mga nakaraang araw at hindi na nagpapakalasing. Iyon nga lang ay kapansin pansin ang pananamlay nito. Tila ba napakalungkot ng mga mata niyang kakulay ng dagat. Iniwas ko ang aking paningin sa kanyang mukha sa takot na mahalata niya ang pagtitig ko sa kanya.
"Hey, miss Angel. Can you remove all those papers from the table? I received a lit of unwelcomed letters for the past few weeks of staying here. Just kindly dispose all of it." yun lang at tinalikuran niya na ako.
Alam kong malungkot siya, broken hearted sa mama kong may asawa at mga anak na. Pero kasi, hindi ko maiwasang maawa....
......at masaktan sa mga ginagawa niya sa sarili niya. Mukha kasing pinapabayaan niya na yung sarili niya. Kung hindi magpakalasing, nagbuburyong mag-isa sa cottage na ito. Nakakatakot lang dahil baka isang araw ay nakasabit na ang leeg niya sa kisame. Huwag naman sanang mangyari.....
Naagaw ang atensyon ko ng makita ko ang mga pinapatapon niya. Puro sobre iyon at mga hindi pa bukas. Isinilid ko ang mga iyon sa isang plastic bag at binitbit palabas.
Imbes na itapon ang mga iyon ay dinala ko sa locker rooms para isilid sa backpack ko. Bubusiiin ko nalang bukas pag-uwi ko.
Magdamag pang ginulo ni Donatello ang sistema ko. Sa karaoke cottages ako nakadestino ngayong gabi at mula rito ay tanaw na tanaw ko ang dalampasigan na siya ring kinaroroonan ng lalaki.
Nakaupo lang ito sa buhangin magdamag. Minsan ay napapansin ko ang paggalaw ng mga balikat nito, na malamang ay dahil sa pag-iyak.
Masakit pala sa loob na makita ang isang inosenteng lalaki na nasasaktan ng dahil sa pagmamahal ng lubos.
Kung sana lang ay kaya kong gamutin ang sugat na natamo mo mula sa mama at daddy ko.
.
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
General Fiction-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)