Chapter Nineteen

2K 23 0
                                        

"Mami-miss ka namin bes... Dadalaw ka pa rin naman dito,hindi ba?" tanong ni Lulu habang nagkakandahaba ang nguso sa pag-iyak. Sa tabi niya ay si Gina at ang nobyo nito.

"Oo naman, at sisiguraduhin kong lagi tayong magkikita tuwing may free time tayo." pagpapalubag ko mg loob nila.

Isang araw bago ang libing ni lolo Hunyo ay sinamahan ako ni papa para asikasuhin ang pagta-transfer ko sa Lumar. Sa parehong araw na iyon rin naman ay mabilis na naasikaso ang mga records ko at may oras pa kaming isaayos ang apartment kong ngayon nga ay bagong tirahan na nila Gina. Wala silang sariling bahay ng kanyang ina kaya nangungupahan lang sila. Nang makilala sila ni papa noong dinala ko sila sa Lumar ay napagdesisyunan na agad nitong tulungan ang mga kaibigan ko. Sinagot ni papa ang pag-aaral ng dalawa at heto nga at binili ang apartment ko para safe and secure ang tirahan ng kaibigan kong si Gina. Si Lulu naman ay paniguradong makakapasok na sa isa sa mga restaurant ng papa ko sa Lumar, once na maka-graduate siya.

"Mag-iingat kayo lagi ha? Mami-miss ko rin kayo ng sobra sobra... Paalam na, baka gabihin na ako sa biyahe." pamamaalam ko habang nakaway sa dalawa.

Totoong mami-miss ko sila, pero kailangan ko ng lumayo rito sa Irosa Balmosa...

Dahil tama si Marcus, walang magagawa ang mga ala-ala kung doon ko lang ibabase ang kahihinatnan ng buhay ko.







"I'm missing lolo." sabi ni kuya bago pa man ako nakaupo sa kanyang tabi.

Narito kami sa bahay nila lola Rica at lolo Renz,kami kami nila ate Edna at mommy and daddy niyang sila tita Geraldine at tito Jace,si  Marcus at ako, maging si papa, sila tita Melody at ang asawa niyang si tito Juaqin na kasalukuyang governor ng Lumar City ay naririto rin. . Tulog ang anak nilang si baby Eddie kasama ang kapatid kong si Johannes sa kwarto nila mama at papa sa mansion.

"I miss him too, we all do. Kaya huwag kang masyadong malungkot, Marcus. Let's move on, we can do that while remembering him." sabi ni mama na kakababa lamang ng hagdan...

"Yes, we should move on. Papa will be sad if he sees us like this.. " sabi ni lola Rica.

This night, pag-uusapan na ang tungkol sa mga pamana ni Mr. Hunyo Diaz, ang aming great grandfather.


















"Mga anak, talaga bang hindi ko na kayo mapipigilan?" malungkot na tanong ng mama Marianne sa amin ni Marcus.

Napagdesisyunan kasi ni Marcus na manatili sa Manila para magtapos sa Dela Salle ng kurso niyang Business Management. Samantalang ako naman ay magtutungo sa New York para ipagpatuloy ang kurso kong interior designing. Hindi naman inuusisa ni mama si papa tungkol sa pag-aaral ko,ang pagbabago ko ng major. Hindi rin naman na nagulat pa si papa noong inasikaso niya ang mga papeles ko. Ini-spoil kaming pare-pareho ni papa habang walang kaalam-alam si mama. Kahit ano kasi ang hilingin namin kay papa ay ibinibigay nito.. Lalung lalo na pagdating kay Marcus. Kaya yung tungkol sa akin, wala lang daw iyon, ayon na rin kay papa.

"Ikaw, Maxine, sigurado ka bang kakayanin mong mag-isa roon?  Kung bakit ba kasi pumayag payag pa iyang papa ninyo.. Tsk. " pagmo-monologue ni mama

"Ma, kaya na namin, we're already in legal age, besides, mas okay na ito. Si kuya, Marcus.... Makakapagtapos na kaagad ng kurso niya, ako naman, maraming opportunities na maaaring makaharap ko roon sa New York. Please, don't  mind us, take your time with papa and Johannes. We'll always come back home... Okay? " I assured her .

Mukhang nakahinga naman ng maluwag si Marcus nung hindi na nang-usisa pa si mama, iniwan niya na kami sa living room para tignan ang mga niluluto ni papa sa kusina...

"Sis, take care there. Okay? " makahulugang paalala ni Marcus tungkol sa nalalapit na paninirahan ko sa New York.

Actually, I didn't really know if I can pull this off without raising a suspicion to both our parents if Marcus didn't back me up. Kasabwat ko siya at si tita Mariel na kapatid ni mama, sa pagkumbinsi kong hayaan nila akong makapag-aral abroad. Although, walang ibang alam si tita sa biglaang pagnanais kong tumira sa New York maliban sa magandang edukasyon na maii-offer sa akin ng USA.

And all the while, Marcus wanted me to pursue my lovelife while helping him look for his secret adimirer who, based on his kept love letters, lives in the same street as Donatello's house is.

Siguro nga ay epekto ng pagkakakonekta namin ni Marcus, as a twin, ang parehong ugali at takbo ng isipan..

Basta tungkol sa pag-ibig, hahamakin ang lahat. Pfft.

"Anong nakakatawa?" pang-uusisa sa akin ni Marcus.

"Wala, wala lang." sagot ko sa kanya. Muli ay itinuon nito ang paningin sa 53" curved televison namin kung saan nanonood ito ng CSI.

Ako naman ay tinapik tapik ang puwitan ng kapatid kong himbing na himbing sa pagkakahilata sa sofa.

'Napakatabang bubwit mo, Johannes'

Muli ay naalala ko ang nag-iisang lalaking nakapasok sa puso ko....

'How about us? Will we have a chance to be given a child, who looks like you, or a child who'll inherit at least some of your features?'

Nang maisip ko iyon ay hindi ko maiwasang kiligin. Nakakausao ko si Gina, hindi ako mangmang dahil napag-uusapan namin ang mga kababalaghang ginagawa nila ng kanyang nobyo.. Maging si Lulu ay may nobyo na rin... Tanging ako na lamang ang walang nobyo, pero at least,  may minamahal na ako.. Mamahalin at mas mamahalin pa...



Magiging kami rin. Sana....

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon