Chapter Eighteen

2.3K 31 1
                                        


Alas kwatro na ng hapon pero nasa biyahe parin kami ni Marcus, hindi pabalik ng Lumar kung nasaan nakaburol ang butihin naming lolo, kung hindi sa daang patungong Irosa Balmosa, para sunduin ang mga kaibigan ko. Nakausap ko sila Gina at Lulu bago pa man kami makaalis ng airport at gusto ring imbitahan ng kapatid ko ang mga kaibigan ko sa aming lugar. Nagprisinta naman itong ipapahatid pabalik sa Irosa ang mga kaibigan ko.


"Masyado kang malihim, naturingang kambal tayo....pero hindi ka nagtitiwala sa akin, Max." basag ni Marcus sa katahimikan.


"I dunno... I wanna have privacy since after highschool.. Just like you, you know?" I retorted.

Totoo naman kasi eh, pagka-graduate namin ng highschool ay naging malihim na siya sa amin patungkol sa mga babae niya. tss

"You know me, wala naman akong ginagawang kalokohan.. I still believe I'm too young to get a girl pregnant. And besides, wala naman talaga akong nakarelasyon na handa akong i-open up sa inyo ni mama.. like heyy, do you really expect me to have a heart to heart talk with you ladies, about my exes and sex escapades? " tuloy tuloy na saad nito at kahit na alam ko naman kung anong meron sa mga palihim lihim niyang iyan ay hindi ko parin naiwasang masamid. Tawa lang ang muling reaksyon niyang natamo ko.


"Oh, of course I know that. You didn't really even consider that your twin is a girl, did you? By the way you spoke right now?  God! Marcus, you don't have to be so elaborate." reklamo ko.

"Oh? tignan mo nga iyan, nabanggit ko lang ang tungkol sa sex, naghihisterya ka na.. paano pa kapag idinetalye ko lahat. tss. Huwag ka na ngang magtanong diyan." nakasimangot na utos ni Marcus.. kaya hinayaan ko na.. Siya rin naman nagsimula ng bagong topic.

"But, hey sis. Max, promise me, that no matter how much you love a person, you don't  have to give your all.. specially..." he gave me a brief 'you-know-what-i-mean look'

"I know that." sagot ko.

Hindi na kami muli pang nakapag-usap tungkol roon dahil saktong huminto ang kotse na sinasakyan namin sa waiting shed na nasa labas mismo ng resort. Doon nga ay nag-aabang na sa aming pagdating ang dalawa kong kaibigan na pulos nakaputing dress.

"Maxine, kaninong kotse iyan?" salubong sa akin ni Lulu at Gina na hinila ako palayo sa kotse matapos ko silang babain. Naiwan naman si Marcus sa loob, heavily tinted ang Jaguar nito kaya hindi siya basta basta makikita mula sa labas.

"Iyan ba ang jowa mo? Jackpot ka bes!? " bulong ni Lulu habang pilit na inaaninag ang mukha ni Marcus sa loob ng kotse..


"Tara na, para makabalik kayo ng maaga dito sa Irosa.... " yakag ko na lang sa kanilang dalawa.


Pagpasok na pagkapasok ng dalawa sa backseat ay parehong nagtilian ang mga ito sa pagkamangha.. tss

Paano ay ang nakangiting mukha ng gwapong kambal ko ang bumungad sa kanila. Hindi man kami katulad noon na aakalain mong pinagbiyak na mansanas ang mukha, ngayon ay magkahawig pa rin naman kami subalit sa katawan at sa postura pa lang ay malaki na ang pagkakaiba.

Unang una ay lalaki si Marcus. Mas malaki ang built ng katawan niya at habang nagbibinata ay mas nagiging kamukha niya si mama. Ako naman ay kamukha pa rin ni mama subalit kapansin pansin ang paniningkit ng mata ko. Noong bata ako ay hindi naman ganito itong mga mata ko, siguro ay dahil na rin sa ngayon ay naging malaman na ako, noong bata nga kasi ako'y sakitin ako, payat kaya namimilog ang mga mata sa maliit kong mukha...

Ikalawang pagkakaiba namin ni Marcus ay ang kulay ng balat namin na epekto ng pagtatrabaho ko.. Palibhasa ay madalas akong nasa resort, naging tan na ang kulay ng balat ko, samantalang si Marcus ay nananatiling mistiso katulad nila mama at papa. Panigurado namang babalik ang pusyaw ng kulay ko sa oras na tumigil ako sa pagtatrabaho sa resort.

At ang pinakamalaking pagkakaiba namin ngayon ni Marcus ay ang pag-uugali nito. Sa unang tingin ay mukha pa rin itong approachable at masayahin. Ngunit sa totoo lang ay napakasungit na nito sa ibang tao, palibhasa ay maagang namulat sa business world, na hindi ko maintindihan kung bakit nagpapakapressure siya gayong kaagapay naman niya sila papa at ang mga second cousins namin sa negosyo.

Ako naman ay nananatili sa kung ano ako mula pa noong pagkabata... Kung paano akong pinalaki ni ninang Maitha ay ganoon rin ang pag-uugali ko. Hindi ako maarte, hindi rin ako masungit, palabiro man ay hindi naman ako insensitive. Pinahahalagahan ko ang mga tao sa paligid ko.

Kaya labis akong nagtataka sa kambal kong ito.... Dati namang masayahin ito at katulad ko ay punong puno ng buhay ang pagkatao, sa ilang buwan lang mula ng ikalabing walong kaarawan namin, ano ang nangyari rito at naging napakalaki ng pagbabago sa pagkatao nito?


"Let's go, ladies. " nakangiting saad nito at nahuli ko ang pagkindat nito sa kaibigan kong si Lulu.

Tsk tsk tsk.... No way. I won't let you have any of my friends, Marcus.

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon