Chapter Sixteen

2.5K 29 0
                                        

Wala akong tulog. Wala rin naman akong makausap. Lahat kami ay tahimik na nagluluksa, maging si mama.

Talaga naman kasing napakabait na tao ng lolo Hunyo namin. Muli kong tinapunan ng tingin ang lola Rica at ang lolo Renz. Tuwing nagkakasakit ang lolo ay silang dalawa ang todo asikaso sa matanda. Ang huli mismo ang dahilan kaya nagkatuluyan sila noong araw. Kaya kung hindi nga naman dahil kay lolo, wala kaming lahat dito ngayon, walang kami na lubos na malulungkot sa pagpanaw niya.



Alas sais ng umaga ay nagsimula ng magsidatingan ang mga malalapit na kaibigan ng pamilya namin...ang mga Go, ang pamilya nila JC—na fiance ni ate Edna, at hindi nawala ang mga Benitez—ang pamilya nila ninang Maitha...

Katanghalian ay dumagsa ang mga mamamayan ng Lumar City sa mansion ni lola Rica. Halos lahat ay nalungkot dahil sa pagkawala ng butihing ex-governor ng Lumar.

"Maxine."

Napalingon ako kay papa Jesse na mukhang kakatapos lang makipag-usap sa mga nakikiramay.

"Yes, pa? " tumayo ako para yakapin si papa. Alam kong malungkot siya dahil siya ang pinakamalapit kay lolo.

"We'll be okay, we'll be fine." tinapik ni papa ang likuran ko. "You better take a rest. Wala ka pang tulog. Sige na anak. Kami nang bahala rito. Matulog ka muna sa itaas."

"Sige po papa... "sagot ko.

Humalik ako sa pisngi ni papa at nagtungo sa kinauupuan nila mama at ninang. Tulog ang kapatid kong buhat buhat ni mama.

"Ma, matutulog po muna ako sa itaas. Kunin ko na muna si Johannes, para makakilos kayo rito."

"Oh? Sige anak. Itabi mo sa pagtulog iyang batang iyan. Hindi naman iyan malikot. Sige at umakyat na kayo."

Nakipag beso pa muna ako sa kanila bago tumuloy ng akyat sa grand staircase ng mansyon paakyat ng ikalawang palapag habang kalung kalong ang tulog na si Johannes.










Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagri-ring ng cellphone kong naka-charge sa may lamesita malapit sa kama. Bumangon ako at lumapit para kunin at sagutin iyon.

"H-hello?" garalgal pa ang boses ko. Napalingon ako sa kama kung saan ay himbing na himbing parin ang tulog ng kapatid ko.

"Maxine!? Jusmiyo ka!! Akala namin kung napaano ka na! Loka ka, hanap ng hanap sayo si Thor! Ikaw ha? Magde-date pala kayo kagabi—teka teka! Aray naman eh, Gina ano baaah?! " sunod sunod na pagbubunganga ni Lulu sa kabilang linya.. Mukhang nag-aagawan pa sila sa cellphone ni Lulu.

"Hellooow! Uyy babae.. Ano!? Nasaan ka!?  Grabe ka! In-indian mo yung papabol na yun!? Teka, bakit ka nga wala??! " si Gina.

Naririnig ko pa rin ang boses ni Lulu kaya tumikhim muna ako.

"I-loud speaker niyo kaya yung phone na hawak niyo?" sabi ko na sinunod naman ng dalawang babaeng makulit.

"Okay na Maxxy... Ano na?" tanong ni Gina.

"Mukhang hindi ako makakabalik ng Irosa Balmosa for a week or so, mga bes.. N-namat- namatay na ang lolo ko... P-pakisabi na lang sa mga boss. Ako na ang bahala sa university, magse-send na lang ako ng emails sa mga prof ko." paliwanag ko.

"Ohh... Condolence beshy.." si Lulu.

"Bes..condolence... Kamusta ka?  Okay ka lang ba?" tanong naman ni Gina.

"I'm fine.. Magiging maayos rin ang pamilya namin.. Salamat sa pakikiramay niyo. Ahmm.. Next time na lang ulit ako tatawag sa inyo ha? Nagising na kasi yung kapatid ko.. Pakakainin ko lang. Ala una na pala."

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon