Chapter Two

8.6K 35 0
                                        

"Are you sure about that, sis?  Do you really believe that our parents need to get back together? Are they even capable of loving each other back? " tanong ni kuya Marcus habang nag-iinat ng malaking katawan niya mula sa kanyang kama.

"Why, aren't you made because of love?" tinaasan ko siya ng kilay mula sa salamin. "Tiwala pang kuya, makikita mo rin at magiging masayang pamilya tayo." dagdag ko pa.

Nakabihis ako ng pang-alis.  Simpleng carnation pink dropwaist dress ang suot ko. Itinahi pa ito ni mama base sa sukat ko kaya ang ganda ng pagkakahulma sa likuran ko. Papunta kasi kami ni lolo sa Lumar General Hospital. Since last year ay hindi na ako sa Manila nagpapacheck-up, dito na kasi ako sa Lumar naglalagi dahil minamatyagan ko ang papa namin. And honestly? Before mama came to the city,  papa is a mess. Now,  he's taking his businesses seriously.

"Alam ko yun, Max. Haha.  What I mean is,  meron na kasing good guy akong gusto para kay mom. I told you stories of him, 'di ba? " sabi nito bago naupo sa kama para kalkalin ang laman ng barrel bag ko.

"Max,  why do you use this bag? It's outdated." puna nito maya maya kaya napalingon ako.

"Bigay yan sa akin ng lola Rica natin, anu ka ba? Mamahalin iyan and,  bakit ba? Ikaw ba magbi-bitbit? " natatawang sabi ko kay kuya. Umasim naman ang mukha nito at binutingting muli ang aking bag.

"Kuya," agaw ko ng pansin niya mula sa bag kong mukhang pink hotdog. "help me. Gusto ko ng buong pamilya. And believe me, mabuting tao ang papa natin. He's just broken and is missing mama. Besides, it's all in the past."paliwanag ko.

"Yeah, yeah.. Ikaw ang masusunod. Naku!  If lalaki ka lang, hindi kita pagbibigyan. Kawawa naman si Donatello, patay na patay kay mom iyon. Tsk tsk." saad ni kuya.

Kinatok ni mama ang room ni kuya at pinababa na ako. Maaga kaming umalis ni lolo para sa annual check-up ko.

















"It's been years since the last time we went to the hospital together apo." lolo said and I smiled at him.

"I know lolo, pero last na po ito. Kaya hindi na kayo muli pang susugod ng hospital para puntahan ako. I'm strong now." sabi ko. Medyo na-traffic kami dahil alas siyete na ng umaga at iyon ang pinaka-rush hour dito sa Lumar City.

Eight forty-seven na kami nakarating sa harap ng ospital kaya pinauna na ako ni lolo sa loob dahil magpa-park pa siya ng kotse.

Naka-akyat  na ako sa fifth floor kung saan ang appointment ko. Naupo ako sa waiting area since nakapagpa-schedule na ako last week. Habang naghihintay sa pagdating ni lolo ay nagbasa muna ako ng wattpad sa Iphone ko na katulad ng model ng phone ni mama at kuya Marcus.

Habang nagbabasa ay hindi ko namalayang may naupo na sa tabi ko. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay niya sa akin kaya bigla akong nagitla.

Ang bumungad sa akin ay ang mukha ni JC. Si Jean Claud Tuazon, kaibigan ko since last year dito sa Lumar.

"Hello. Akala ko hindi na kita makikita eh.  Kanina pa ako pagala gala sa buong Hospital. Late ka yata ngayon? " usisa nito.  Ipinaliwanag ko nalang yung traffic at yung lolo ko na hindi niya pa nakikilala. 

Si JC ay anak ng doctor na nagrecommend kay mama ng theraphy niya about her amnesia. Mabait ang daddy nito na si Dr. Luis Tuazon and ang mom naman nito ay isang head nurse sa parehong ward, mababait sila sa akin mula ng makilala ko sila bago ko pa ipinakilala ang mama ko.

"Ah, oo nga pala Maxxy, bagay ba?" nakakalokong tanong ni JC.

"Anong bagay?  What do you mean? "tanong ko.  Minsan kasi ay walang sense mga itinatanong nito kahit matalino naman.

Tumayo ito at umikot-ikot sa harapan ko. Hanggang sa namewang ito matapos ikutan ako ng magaganda niyang mga mata. Mukha itong trying hard na magsungit. Haha

"Eto, yung laboratory coat. Sa daddy ko ito eh. Since magkamukha kami, at pareho ng Surname, nakakatuwa palang matawag ng 'Good morning doc! ' o di kaya'y 'Doc, ang aga aga natin ngayon a? '. Iniisip ko tuloy kung magsi-shift na ako ng course na pipiliin habang hindi pa ako nakakapag-entrance exam sa University. Haha." sabi kasi nito noon ay Culinary ang gustong kunin. Ngayon ay balak na yatang mag-doktor.

Nagkatuwaan pa kami hanggang sa dumating si lolo Edgar. Hanggang sa loob ng office ng doctor ko ay kasama namin si JC.

Inaya kaming mag lunch nito kaya napilitan kaming sumama patungo sa office ni Dr. Tuazon. Walang humpay ang tawanan namin ng pagalitan ito ng ama na kanina pa pala hinahanap ang coat nito.

Bago pa kami pumasok sa loob ng office ni doc ay kinumusta na nito ang theraphy ni mama. Si lolo ang nagkukwento at nakiki sabat nalang ako sa mga hindi pa alam ni lolo.

Papasok na kami sa office ng may lalaking dumaan sa likuran ni lolo at mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin. At nung mamukhaan ko ito ay napakalakas ng kabog ng puso ko.

Sa harap ko lang naman ay ang ama ko na ngayon ko lang nakaharap sa malapitan. Kinakaladkad ito ng tita ko na kakatapos lang ikasal nitong nakaraan. Nagtama ang mga mata namin bago pa ako papasukin ni lolo sa opisina.

Pagkasara ng pinto ay hinarap ko si JC at nagpaalam na kailangan na naming umuwi. Si lolo ay nag-aalala kung may masakit daw ba sa akin.

Sa kotse ko na ipinaliwanag ang nakita ko. Kinumbinsi ko rin si lolo na suportahan ang gusto ko.








Pag karating sa villa ay kaagad na akong pumasok at hindi na hinintay pang makasabay si lolo papasok. Nakarinig ako ng kalansinga ng mga kutsara't tinidor kaya nagtungo na ako sa dining room.

"Mama! mama! Nakita kami ni pap- siya ba si Donatello,kuya?"

Agad akong nag-iwas ng tingin sa lalaking may nakakalusaw na mga mata. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at ramdam ang pagtitig niya sa akin. Muli kong sinubukang sulyapan siya.....

Mukha siyang anghel, isang mapanganib na anghel. Dahil sa kakaibang dating niya na tila ba puno siya ng kabaitan pero may kinikimkim na kung anong maitim na misteryo sa likod ng kanyang mga mata.

Nakahalubilo na ako ng maraming foreigner noong bata ako, mula sa France hanggang sa America. Pero itong si Donatello, iba talaga ang dating niya. Pakiramdam ko ay sasabog na sa init ang buong mukha ko.

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon