Chapter Nine

3.6K 25 0
                                        

"Maxine, mabuti pa ay sumabay ka na sa akin pauwi. Hindi ba't luluwas ka rin naman pauwi sa Irosa?  Ihahatid ka na namin papunta roon." alok sa akin ni ate Edna.

Ngayong gabi kasi ay uuwi rin ako sa Irosa dahil may pasok na ako sa trabaho bukas. Alam naman iyon ng pamilya ko kaya heto at ako na naman ang isa sa mga nauunang lumarga.

"Sa terminal na lang ako magpapagahatid ate. Okay lang ba?"

"Oh sige, may kukunin ka panba sa bahay ninyo? Tara na at nang maaga kang maka biyahe."

Sumabay na ako sa kotse nilang magnobyo at sa buong biyahe ay tungkol lang sa pagdodoctor ang pinag-uusapan ng magkasintahan. Nakakatuwa lang na ang nobyo nito ay si Jean Claud na kaibigan ko. Magkababata pala sila. Siya pala ang madalas ikuwento sa akin ni JC. Nakakatuwa lang ang tadhana....








"Oh bruha ka, matapos mo akong gamitin, hindi ka nagpakita magdamag. Anong meron? Saan ka naglamyerda kahapon!? " si boss Josh iyan, ang baklang anak ni Mrs. Esteban.

"Umuwi ako sa amin. Kakagaling lang sa ospital ng lolo ko. " pasimpleng sagot ko. Walang nakakaalam ng estado ng buhay ko rito sa bayan na ito.  Kahit pa mga kaibigan ko.

"Fine, next day off mo, i-gora mo ako ha? Pasyal tayo, sama mo yung dalawang bakla. Maiwan ka na diyan. Napuyat ako kagabi. Bye!" nagbeso pa muna ito bago lumakad palayo.

Sinadya pa ako nito sa office para lang magpapansin. May sa baliw iyon kapag puyat. Haha

Nasa resto ako at nakikitulong sa pag-a-usher sa mga bisita ng resort. Tanghali na kaya marami ng nagkakainan. Medyo busy at minsan ay pinapakisuyuan na rin akong magserve ng mga dishes. Nakakapagod pero ayos lang. Mas maraminlang talagang gawain kapag pang-umaga....

Bandang alas dos ng hapon ay nawala na ang karamihan sa mga costumer. Pangilan ngilan na lamang kaya nagsipahingahan na kami. Nakaupo ako sa upuan malapit sa entrance at nanonood sa mga nalalaro ng volleyball sa beach. Nakakatuwa ang mga nagtatabaang babae na malalakas ang loob na mag bikini at ngayon nga ay naglalaro pa sa initan.

May naupo sa tabi ko at kinalabit ang balikat ko.

"Hmm? Ano? " tanong ko habang inaabangan ang susunod na pagtira ng matangkad na babaeng chubby rin.

"Miss Angel. I've been looking for you." bulong niya sa bandang tenga ko. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ang mapamulagat ang mga mata ko.

"S-sir!?"

"You know me. Right? " nakangiti ito at pinagmamasdan ang buong mukha ko. Ngayon ay maliwanag at kitang kita ko amg kagwapuhan ng lalakimg nasa harapan ko.

"H-huh!?" parang tanga na tanong ko.

"You know me. You've been cleaning my room for every night except last night. What happened? Where were you? "
Hanep naman toh, ako pa amg tinatanong. Tss.

"Uh, I'm now in morning shift sir. "

Ngumiti itong muli sa akin.

"That's nice. I can see you in daylight now." sabi niya at nanood na sa mga balyenang naglalaro ng volleyball sa tapat ng resto.

"Mare, extended ang stay ni sir pogi." bulong sa akin ni Weng at ininguso ang nakamasidvsa akin na si Donatello. Isa sa mga waitress dito sa resto si Weng.
Kasalukuyan akong nasa counter para asikasuhin ang order ni Donatello. Mukhang hindi niya ako kilala bilang anak ng mama ko. Tanging tagalinis ng kalat niya lang ako at ni hindi niya rin yata natatandaan ang ginawa niya sa akin. Tsk tsk tsk.

"Dalian mo jan kuya Bruce. Lilipat ako sa gaming hall. Akin na yung order nung mamang kano, mamaya ka na kumanta." pagmamadali ko sa kusinero ng resto.

Matapos kong i-serve ang food ni Donatello ay nagmamadali akong lumabas sa backdoor at nagpunta sa gaming hall. Iiwasan ko ang lalaking iyon. Hindi tamang makipaglapit ako sa kanya. Nagi-guilty ako, sa totoo lang. At nahihiya rin ako kase mukhang ako lang ang nakaka-alala sa mga ginawa niya nung isang gabi. Nakakainis siya ha? Tch, ako lang ang nahihiya sa aming dalawa.

A Little Push [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon