"I did something—something crazy, Angel. I, I will just take a nap. Then, maybe you can accompany me on top of the cliff tonight.. I reserved a spot in that resto you showed me last week. " sabi ni Donatello matapos humigop ng mainit na kape.
Ang tinutukoy niya ay ang Felestina House na nakatirik sa itaas ng bangin. Safe ang lugar na iyon sa kabila ng pagkakaroon ng mababang bangin sa bandang dulo, mga labindalawang talampakan lamang ang taas niyon at nahaharangan pa ng matataas na railings.
"Tonight? I... I don't know. I have classes tomorrow, and... you're leaving tomorrow too. I think it's a bad idea." pagtanggi ko. Mabuti na yung magpahinga na lang siya ng maayos para maging palagay siya sa biyahe niya bukas.
"Can't you at least come. I won't be able to see you again. You're just like an angel, ready to disappear at any moment from my sight. So please....? " pakiusap niya na hinawakan pa ang palad ko gamit ang malalaki niyang kamay. Alam ko namang ngayong malinaw na ang paningin niya ay kitang kita niya na ang pagkakahawig namin ng mama ko.
"Fine, but for now.. take a rest. I'll just see you up there later. " nakangiting saad ko. Last na nga naman ito.
"I'll see you there, Angel. I'll wait for you." muling sabi niya at tinanguan ko na lamang siya.
Hindi na ako nakisabay ng hapunan kanila Gina at Lulu. Makakasabay naman nila si sir Joros at si Josh. Pagkatapos kong mag time-out ay umuwi na ako para maligo at nang mapuntahan ko na si Donatello, takot ko lang na tumalon iyon sa bangin.
Mabilis akong nakarating sa Felestina House, pagka-akyat na pagka-akyat ko ay nakita ko na ang taong ipinunta ko rito. Nakasuot ito ng plantsadong plantsado na button down white shirt, at itim na pantalon na tinernohan ng black leather shoes.
Medyo nag-alangan tuloy ako dahil nakasuot lang ako ng jogging pants na gray at oversized T-shirt. Yung rubber shoes ko naman ay nanggigitata na dahil hindi ko pa nalalabhan since last week after Community Service namin sa University.
Hindi niya alam na papalapit na ako, walang katao-tao sa loob ng resto at ang mga servers ay nag-uusap usap sa bandang dulo ng restaurant.
Ilang hakbang pa at paniguradong mapapansin niya na ang presensya ko. Ngunit sa isa ko pang hakbang ay saka ko napansin ang paggalaw ng balikat niya. Umiiyak na naman siya?
Sa muling paghakbang ko papalapit sa kanya ay natanaw ko na sa kanyang tagiliran kung ano ang dahilan ng pagkakayuko niya...ang litrato nila ni mama.....
Tatlong hakbang, sa palagay ko ay tatlong hakbang na lamang at mapapansin niya na talaga ako dahil magkakatabi na talaga kami. Ngunit bago ko pa man maihakbang muli ang mga paa ko ay naramdaman ko ang pagba-vibrate ng cellphone ko mula sa likurang bulsa ng aking jogging pants.
Si kuya Marcus....
"Eherm.. H-hello kuya? " bulong ko. Hindi ko pa rin kasi naaagaw ang atensyon ni Donatello mula sa litratong hawak hawak niya.
"Maxine.... si lolo, s-si lolo Maxine.." rinig na rinig ko ang impit na paghagulhol ni kuya..
"W-what is it? Tell me kuya. Which lolo? " tanong ko. Inatake na naman ba ang daddy lolo na si lolo Hunyo? Or ang lolo Renz na ama ni papa? Is it lolo Edgar? My God! what happened!?
"Maxine, lolo Hunyo just past away. He had a heartattack after our early dinner. We're at the hospital. He's d-dead on arrival, sis. " He then cried and cried..
Our great grandpa was a great man. A great provider and a great father to all. And now... God took him back to his kingdom. I'm sure he's with God now. It's just that, we'll terribly miss him.
I throw one last glance at the broken man in front of me. Family comes first, Donatello.
'I'm sorry, but I have to leave.. I hope you'll be good on your own. I know you'll get through this by yourself. Good bye, Donatello. Bye.'
I turned my heels back and run outside. I need to go to my family, to my lolo Hunyo. My beloved lolo....
"I came here to talk about all the legal properties your father left for his children, Mrs. Boas. "
Narinig ko ang sinabi ng bagong dating na lalaking nakasuot ng magarbong suit. Si Atty. Medez, na kaharap na ngayon ng unica hija ni lolo na si Luderica Diaz-Boas, ang mommy ni papa Jesse.
"Attorney, can we postpone about that? We're all here and besides, money can wait. I—Well, we all knew that my father's properties will be given to his grandchildren. So maybe.... "
Nilapitan ako ni ate Edna at ni Jc, ang fiance niya. Inaaya nila akong magpalit muna ng maayos-ayos at angkop na kasuotan.
Pagkarating ko kasi sa Lumar ay sa mansion na ako nila lola Rica tumuloy dahil naroon na ang lahat ng kamag-anakan namin. Pati nga si papa na spoiled kay lolo at maging si kuya ay hindi umaalis sa tabi ng labi ni lolo Hunyo. Naiyak lang kami ni mama. Walang kamuwang muwang naman ang kapatid kong si Johannes na nangungunyapit sa leeg ni mama..
"Sige na anak, may dala akong mga pamalit mo. Naroon na sa dating kwarto namin ng papa mo rito. Magbihis ka na at maya maya lang ay baka may dumating ng mga bisita.
Alas onse na ng gabi. Ilang oras na lang at umaga na naman. Sumunod ako kay ate Edna na namumugto parin ang mga mata. Inihatid niya ako sa kwarto nila papa at mama. Bumaba rin siya para alalayan si tita Melody at ang mommy niyang sin tita Geraldine.
Habang naliligo ay inaalala ko lahat ng kabutihan sa akin ng namayapa kong lolo sa tuhod. Ngunit biglang sumagi rin sa isipan ko ang lalaking naiyak sa restaurant..
I think he's broken beyond repair. I just don't understand why thinking about him—hurting, adds to the intensity of my grievance about my great grandpa's death.
What is it? This fluttering ache in my chest?
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
Ficción General-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)