Hindi ako nagmamadali, actually nagmumuni-muni pa ako habang tinatatahak ang daan patungo sa vip cottages. Bahala si bakla na tumirik ang mata kakahintay sa aking pagdating. Malakas kaya ang kapit ko sa mga boss kaya hindi niya ako pwedeng kantiin dahil mapapagalitan talaga siya, haha.
Malayo pa lang ay natatanaw ko na si George habang walang tigil sa pagtanghod mula sa labas ng bar. Ilang metro pa ang layo ko pero rinig ko na ang buhay na buhay na tugtuging nagmumula sa bar mula sa bukas na glassdoor niyon. Ilang hakbang pa ay napansin na ako ni bakla.
"Ano ba yan? Thirty seven minutes na ang lumipas, ngayon ka lang? Ano? Namasyal pa? Guest ka bang babaita ka? Tsss." mataray na sikmat nito sa akin at muling lumingon kay sir Joros na busy sa mga costumers. Lakas talaga ng tama nito kay sir..
"Ano po ba ang ipag-uutos niyo sir George?" tanong ko dito. Siyempre, magalang dapat, kasi mas superior naman siya sa akin. Manager eh..
"Asikasuhin mo yung guest sa cottage 47, lasing kaya pinahatid ko na sa mga boy. Linisin mo nalang yung cottage niya. One week pa yun dito kaya ikaw mag-asikaso." pinal na saad nito. Wagas maka-utos,tss.
"Naihatid na ho pala, bakit kailangan ko pang puntahan sir? Baka tulog na iyon, mapagalitan pa ako kapag nagising habang naglilinis ako?"katwiran ko, mahirap na eh. Baka masita ako, tapos sinto sinto pa pala ang ugali nun. Ako lang ang mahihirapan.
"Sa tingin mo ba ipapahamak kita? Malamang, tulog na tulog iyon kasi nga pinabuhat ko pa pabalik sa cottage niya, hindi ba? Nag-iisip ka ba Max?! " pambabara ni George. Tss.
Wala naman siyang sinabing pinabuhat niya eh, sabi niya kanina ay ipinahatid niya. Magkaiba kaya iyon.
"Okay sir. Ako na hong bahala." nginitian ko nalang kesa naman patulan pa ang kamalditahan niya. Ganyan ang mga bakla eh, mga masusungit.
Katwiran pa nga ni Gina na mortal enemy niya ay kaya lang ganyan ang mga asta ng mga baklushi ay dahil wala daw kasing mga pempem. Halos magkandagulong kami sa buhangin ni Lulu kakatawa kapag nagbabanggaan ang dalawang magkaribal sa ex. Hahaha
Iniwan ko na siya roon sa kinatatayuan niya para maipagpatuloy niya ang pagtanghod kay sir Joros. Bahala siya sa trip niya. Alam ko namang kahit ganyan iyan ay matino naman sa trabaho, balahura lang ang ugali sa mga magagandang katrabaho tulad ko....at ng mga kaibigan ko.
Kumatok ako sa cottage 47 pero walang nasagot. Mabuti na lang at dinaanan ko yung mga susi ng vip cottages sa office kung hindi ay pabalik balik pa ako pag nagkataon.
Binuksan ko yung pinto at unang hakbang ko palang papasok ay alam ko na kung bakit nagpatawag pa ng backup si bakla. Umaalingasaw hanggang sa pinto ang amoy ng pinaghalong alak, suka at.....panis na pagkain?
Inuna ko ng linisin yung mga nagkalat na damit at mga pagkaing nakabuyangyang sa mesa. Sinunod ko namang ipunin ang mga nilamukos na papel sa sahig at itinapon iyon sa basurahan. Nilinis ko ang buong paligid bago hinanap kung saan ba nagmumula yung hindi mapapatawad na amoy ng suka mg guest. Feeling ko tuloy wala akong nalinis kahit kumikinang na ang mini living room ng cottage. Tsk tsk.
Nakarinig ako ng mga hilik kaya binuksan ko na yung iisang kwarto sa cottage kung saan may nahilik. Bumungad sa akim ang pigura ng isang lalaking nakadapa at,well...ang lakimg tao niya. Lampasan ang mga binti kahit na kalahati na ng katawan niya ang nakahiga sa king sized bed na kinahihigaan.
Malinis naman iyong room, maliban siyempre sa suka ng guest na nasa may paanan ng kama. Para na rin akong masusuka habang nililinis ko iyon. Mabuti na lamang at hindi nadumihan iyong kama. May mga tagalinis naman na available kung kelan lang magpatawag ng maglilinis ang bawat occupant ng mga cottages. Sa kaso nitong si guest 47, emergency. Baka ikamatay niya yung amoy kapag nagising siya, or baka bangungutin kapag nasinghot niya yung amoy. Promise! Ang sagwa ng amoy!Nakakarimarim!!!
Matapos kong linisin iyon ay pinagmasdan ko yung mama. Mukhang foreigner, malaking tao at puti ito. Hindi ko masabing gwapo kasi nakasubsob ang kanyang mukha sa kama. Pero yung katawan? Pasadong pasado! Parang adonis, ma-muscle. Tapos yung butt niya, ang tambok!
'Naku Max! Hawang hawa ka na sa pag-iisip ng mga kaibigan mo! Lagot ka sa papa mo niyan. Pati na sa kuya mo!!'
Nahihintatakutan akong napa-sign of the cross. Masyado nang napo-pollute ang utak ko dahil sa mga kasamahan at kaibigan ko dito sa Irosa.
Pero aaminin ko, naiinggit ako kay Gina na nakaranas ng umibig, pareho kasi kaming NBSB ni Lulu kaya naman takam na takam kami pareho sa mga pogi, mga tanawing hanggang masid lang ang napapala namin. Siyempre bawal lumandi sa work, haha.
Palabas na ako ng mapansin kong gumalaw ito. Isasara ko na sana ang pinto ng marinig ko ang pag-ungol nito...
"Ugh! Pris!! Don't leave me..... "
Yinakap nito yung unan na naabot mula sa dulo ng kama, natakpan naman ng unan ang mukha ng lalaki.
Ang haba ng braso, naabot niya yung dulo ng kama kahit nasa gitna siya?
Napangiti nalang ako at tuluyan ng nilisan ang kwarto. Habang naglalakad ako palabas ng cottage ay napansin ko ang isang nakataob na canvas malapit sa tokador sa may bintana.
Nilapitan ko iyon at itinihaya. Namangha ako dahil marunong akong tumingin ng mga maestra. Hindi man iyon tapos at mukhang nilaro lang ay masasabi kong nilaro iyon ng isang propesyunal.
Napalingon ako sa kwartong pinanggalingan ko at napaisip.
Malamang ay isa itong sawi sa pag-ibig. Base kasi sa dmi ng papel na nilamukos nito at maging sa canvas na hawak ko, mukhang mayroong babaeng laman ng puso nito.
Ibinalik ko sa canvas ang mga mata ko. Iyon ang view ng dagat mula dito sa resort. Pero sa gitna noon ay makikita mo ang mukha ng isang babaeng nakangiti. Pamilyar sa akin iyon pero hindi ko matukoy kung saan ko nakita ang mukhang iyon.
Inayos ko ang pagkakasandal ng canvas sa tokador at tuluyan ng lumabas.
"Poor soul, makamove-on ka sana sa babae mo. Maraming pinay na pwede mong mahalin. Malay mo, taga Irosa pa ang mapangasawa mo. Hihihi" natawa nalang ako sa sarili ko.
Fan kasi ako ng mga happy ending. Kaya pangarap ko ring magkaroon ng happy ending with my future love-one katulad ng parents ko. Nararamdaman kong after college, mahahanap ko na si 'The One' ko.
Pero malay ko bang isang happy ending pala ang nawasak ko. At hindi rin pala lilipas ang week na ito, mararanasan ko na yung karanasang madalas ikwento sa akin ni Gina. Paano nga ba ang gagawin ko? Magsusumbong ba ako kay papa ko? O sa kambal kong si kuya Marcus??
BINABASA MO ANG
A Little Push [On-Hold]
General Fiction-Not Your Ordinary Cinderella Story Sequel R-18 Teaser: Just let me be... A little more push and I'm sure you'll fall for me too, even harder than your first fall. -Maxine Boas
![A Little Push [On-Hold]](https://img.wattpad.com/cover/159955617-64-k509058.jpg)